5,213 guests

James, waging Best SEA Act sa 2017 MTV EMA

  • Written by LITO MAÑAGO
  • Published in Showbiz
  • Read: 190

TULAD ng pangako ng JaDine fans for a power vote para sa kanilang idolong si James Reid, naipanalo ng
boyfriend ni Nadine Lustre ang karangalan bilang Best Southeast Asia Act sa 2017 MTV Europe Music
Awards (EMA) sa London. 

James bested 6 other Asian acts that includes Faizal Tahir (Malaysia), Dam Vinh Hung
(Vietnam), Isyana Sarasvati (Indonesia), Slot Machine (Thailand), The Sam Willows (Singapore) at
Palitchoke Ayanaputra (Thailand), social wildcard winner.
    
Ginanap noong November 12 ang awarding ng winners sa 2017 MTV EMA sa The SSE Arena, Webley,
London, UK and obviously, hindi nakarating si James sa awards show. Instead, isang VTR ng pasasalamat
ang ipinadala ng Viva star at posted ito sa site ng MTV EMA.
    
“Thank you MTV for awarding me Best Southeast  Act. It’s such an honor to be representing the
Philippines and with this recognition, I will keep on making music and bring the Philippines to the
world stage. At siyempre, maraming-maraming salamat sa lahat ng bumoto sa akin. Jadine fans, mahal ko
kayo,” sambit ni James sa ipina-dalang VTR.

* * *

UMANI ng papuri ang former Pinoy Pop Superstar finalist na si Aicelle Santos sa 30th anniversary
concert ni Regine Velasquez na R.30 sa Mall of Asia Arena ilang linggo na ang nakararaan.
    
Ang birit segment ng grupo nina Aicelle, Jona, Angeline Quinto, Mori-sette Amon at Julie Anne
San Jose ang isa sa pinalakpakan at pinaka-magandang bahagi ng concert ng Asia’s Songbird.
    
Aicelle sang Say That You Love Me with Regine at ang pakiramdam daw niya that time, “Ang
feeling ko po nu’n, parang nag-join ako ng isang singing contest sa napakalaking MOA at panay mga
biritera ang mga kasama ko.”
    
Dagdag niya, “Flattering po ang diva production number namin and it was really an amazing  
experience. Nakatutuwa at napansin pa rin nila ako.”
    
Sa November 24, Friday, magkakaroon ng solo concert ang girlfriend ng GMA News reporter na si
Mark Zambrano aptly titled Awit Na Aicelle sa Music Museum at 8 ng gabi.
    
Magiging guests ni Aicelle sina Gary Valenciano, The Company, Bullet Dumas, Quest at Myke
Salomon. Produced ito ng Stages Sessions sa pakikipagtulungan ng GMA Artist Center (GMAAC).