4,666 guests

Janella, itinali ng Regal!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 1368

ITINALI ng apat na movie contract si Janella Salvador ng mag-inang Lily at Roselle Monteverde. Ang mag-ina ang nagbigay ng unang break sa big screen sa teen superstar na MMFF blockbuster na Haunted Mansion.

Eh, sa latest project ni Janella na My Fairy Tail Love Story, very positive ang feedbacks sa teaser, huh! Kyut na kyut ang nakapanood sa eksenang naka-sirena siya.
    
Seksing-seksi rin ang dating niya bilang sirena at nakakakiliti ang lambingan moments nila ng ka-loveteam niyang si Elmo Magalona.
    
Sa tototo lang, ang Regal Entertainment ang sumugal sa movie career ni Janella na ginawa naman ngayon nito kina Sue Ramirez, Miles Ocampo, Jane de Leon, Michelle Vito at Channel Morales sa next offering ng Regal na horror film na The Debutantes.

* * *

NAGPASILIP ng kani-kanilang katawan sa movie na I Found My Heart in Santa Fe ang bidang lovers na sina Roxanne Barcelo at Will Devaughn.
    
FHM cover girl si Roxee habang si Will, eh, pormado rin ang hugis ng katawan, huh!
    
Of course, hindi lang ang katawan nina Roxanne art Will ang maipagmamalaki ng pelikula. Pasado sa panlasa ng nakapanood ng celebrity screening ang ginawa nilang pagpapakilig. Akmang-akma rin sa kuwento ng background music lalo na ang kantang Morning Noon and Nightime.

Most of all, mai-in love ang manonood sa ganda ng beach sa Santa Fe na isa sa municipality sa Bantayan, Cebu. Sa nakaraang premiere ng movie sa Cebu, dinagsa rin ito ng manonood.