4,584 guests

Jennylyn, ‘pinagpasa-pasahan'

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 419
Jennylyn Mercado Jennylyn Mercado

SI JM de Guzman ang original choice para makapareha ni Jennylyn Mercado sa 2015 Metro Manila Film Festival romantic-comedy movie na “Walang Forever” na dinirek ni Dan Villegas for Quantum Films, pero hindi natuloy dahil sa personal na kadahilanan kaya si Jericho Rosales ang ipinalit sa kanya.

Blessing in disguise ang pagpasok ni Jericho dahil siya ang nanalong Best Actor sa 2015 MMFF Awards Night at muling naulit ang back-to-back Best Actress win ni Jennylyn na una niyang nakuha sa 2014 MMFF awards night para naman sa pelikulang “English Only, Please” na pinagtambalan nila ni Derek Ramsay na siya ring nanalong Best Actor for the same movie na dinirek ni Dan Villegas also for Quantum Films ni Atty. Joji Alonzo.

Mauulit sana ang tambalan nina Jennylyn at Jericho para sa 2017 MMFF movie na “Almost is Not Enough,” isang drama movie na muling ididirek ni Dan Villegas for same film outfit pero gustuhin man ng Kapamilya actor ay hindi na ito puwedeng isingit sa kanyang tight schedule dahil may movie siya with Direk Paul Soriano na pinagsasamahan nila nina Erich Gonzales and Jasmine Curtis Smith at may isa pa itong gagawing movie  na kailangang tapusin for the Sundance Film Festival sa Amerika sa buwan ng Enero 2018.

Sa pag-atras ni Jericho sa pelikula, si Derek naman ang pumalit sa kanya.

Nalungkot man si Jennylyn  sa hindi pagkakatuloy  ng balik-tambalan nila ni Jericho, she’s glad naman na muli silang magsasama ng kanyang “English Only, Please” leading man  na si Derek  for their 2017  MMFF reunion movie.
    
VIC, PINALITAN SI RICHARD KAY DAWN

AFTER Richard Gomez, enter Vic Sotto bilang bagong leading man ng misis ng dating kinatawan ng ikalawang distrito ng Davao na si Anton Lagdameo, Jr. na si Dawn Zulueta.     Sina Vic at Dawn ay magtatambal for the very first time sa pelikulang  “Meant to Beh” na pamamahalaan ni Chris Martinez at isa sa official entries sa upcoming 2017 Metro Manila Film Festival.
    
Sanay na si Dawn sa paggawa ng heavy drama movies kaya nai-excite siya na gumawa ng isang comedy flick with Vic Sotto.
    
Shooting stars on August 18.

ROCHELLE AT ARTHUR, PRIORITY ANG MAGKA-BABY

VERY memorable ang Christian wedding  sa newlywed couple na sina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap na ginanap sa Los Arboles in Tagaytay last Tuesday , August 8  na dinaluhan ng mahahalagang tao sa buhay ng bagong mag-asawa.
    
Bukod sa immediate members of their respective families, dumalo ang halos lahat ng malalapit nilang kaanak at mga kaibigan in and out ng showbiz.
    
Sina Sen. Tito Sotto, Vic `Bossing’ Sotto at Joey de Leon ang nanguna sa mga tumayong principal sponsors habang ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera naman ang nanguna sa mga secondary sponsors.
    
Since parehong  artista sina Rochelle at Arthur, majority ng kanilang mga principal and secondary sponsors at mga dumalong bisita ay pawang taga-showbiz tulad ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez, Director Bert de Leon, Ruby Rodriguez, Alessandra de Rossi, Jolina Magdangal, ang magkapatid na Angelika at Mika de la Cruz, ang magpinsang Gabby at Geoff Eigenmann, Allan K., Paolo Ballesteros, Jose Manalo, Glaiza de Castro, Chuckie Dreyfus, Bentong, ang big boss ng TAPE, Inc. at APT Entertainment na si G. Tony Tuviera, ang lady boss ng TAPE, Inc. na si Malou Choa-Fagar, ang rapper na si Gloc-9, Michael V., ang magkasintahang sina Inah de Belen at Jake Vargas, ang mag-asawang Manilyn Reynes at Aljon Jimenez, Pauleen Luna-Sotto, Eileen Macapagal-de Leon at marami pang iba.  Naroon din ang dancer-choreographer at manager ng Sexbomb Dancers na si Joy Cancio at ilang dating members at mga kasamahan sa Sexbomb Dancers ni Rochelle na sina Sunshine Garcia, Mia Pangyarihan, Aifha Medina at iba pa.
    
Ngayong mag-asawa na sina Rochelle at Arthur, priority sa bagong couple ang pagkakaroon ng baby dahil natutuwa sila sa baby nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Zia.  Sina Dingdong at Arthur ay magpinsan.
 
SHARON PROUD SA INDIE FILM

ANG pelikulang “Ang Pamilyang Hindi Lumuluha” na pinagbibidahan ng megastar na si Sharon Cuneta mula sa panulat at direksiyon ni Mes de Guzman ay nagkaroon ng premiere night last Tuesday, August 8 sa CCP Main Theater at isa ang nasabing pelikula sa mga kalahok sa ongoing 13th Cinemalaya Independent Film Festival na nagsimula last August 4 at magtatapos on August 13.
    
Ang “Ang Pamilyang Hindi Lumuluha” na isang dramedy ay first indie movie ni Sharon and she’s proud of it.    
    
Bukod kay Sharon, sa direktor at ibang cast ng movie, dumalo sa nasabing premiere ang mister ni Mega na si Sen. Kiko Pangilinan kasama ang panganay nilang anak na si Frankie.   Naroon din ang mag-amang Nino Muhlach at Alonzo Muhlach na may special participation sa movie, Kiko Matos ,  Ahron Villena, sina Direk Adolf Alix, Direk Zig Dulay, Direk Joey Javier Reyes , Direk Lino Cayetano, si Moi Marcampo na kasama sa movie at iba pang personalidad.  Naroon din ang nag-compose at umawit ng theme song ng movie na si Ely Buendia.
    
Bukod sa Main Theater ng CCP, ang mga pelikulang kalahok sa tumatakbong 2017 Cinemalaya Independent Film Fetival ay palabas din sa ilang theaters ng Ayala Malls tulad ng Greenbelt 1, Glorietta 4, Up Town Center, Trinoma, Fairview Terraces at Marque Mall in Pampanga.