6,090 guests

John Lloyd, naba-bash dahil sa relasyon kay Ellen

  • Written by Mario Bautista
  • Published in Showbiz
  • Read: 956
John Lloyd Cruz & Ellen Adarna John Lloyd Cruz & Ellen Adarna

NAKAKAAWA rin minsan ang mga artista dahil parang hindi nila puwedeng gawin ang mga bagay na ginagawa ng mga ordinaryong tao o yung ilang bagay na ginagawa nila nung hindi pa sila artista.

Like in the case of Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz.  Gusto lamang niyang magbakasyon at i-enjoy ang pagkakataon kasama ang kanyang rumored girlfriend na si Ellen Adarna at mga kaibigan by doing things na never niyang na-experience siguro before – ang mamalengke, magluto o gumawa ng mga ordinaryong bagay na hindi niya ginagawa sa Maynila o sa buong buhay niya.

In-enjoy ni John Lloyd ang lugar in the company of Ellen and their friends nang hindi sila pinagkakaguluhan.  They were just being themselves and they had fun pero iba ang naging interpretasyon ng iba na inaakalang `nagwala’ umano si JLC.

Sometimes, you need to let loose (relax and have fun) para ma-release ang stress dala ng trabaho o ano pa mang bagay.

Hindi kasi ma-connect ng ibang tao na kaya ring gawin ng isang sikat na personalidad ang mga simpleng bagay tulad ng ginawa ni JLC sa kanilang bakasyon sa Sta. Fe, Bantayan Island, Cebu recently.
    
Samantala, ano kaya ang reaction ng ex-GF ni JLC na si Angelica Panganiban sa mga naglabasang photos and videos ng kanyang ex-boyfriend kasama ang kapwa Kapamilya sexy actress na si Ellen Adarna?

GF NI GEOFF, MANGANGANAK NA

ANYDAY within the month ay nakatakdang magsilang ng kanyang baby ang singer-girlfriend ng actor na si Geoff Eigenmann (32) na si Angeli Mae Flores na mas kilala as Maya (27).
    
Ang isisilang ni Maya ay magiging unang apo ng estranged couple na sina Gina Alajar at Michael de Mesa sa kanilang second son na si Geoff.
    
Ngayong magkaka-baby na sina Geoff at Maya, tiyak na ang susunod nilang paplanuhin ay ang kanilang kasal.
    
Bago si Maya ay naging  kasintahan noon ni Geoff sina Heart Evangelista at Carla Abellana.  Si Heart ay may asawa na, si Sen. Chiz Escudero habang si Carla naman ay currently romantically linked sa ex-PBB housemate-turned-actor, ang Fil-Am na si Tom Rodriguez.
    
Si Maya naman ay dating member ng Asian girl band na Blush at ngayon ay recording artist ng Star Music.
    
Walang isini-share ang couple kung ano ang gender ng kanilang first baby.

PINAGHIRAPAN NG TV5, PINAKIKINABANGAN NG ABS-CBN

HINDI kaya nanghihinayang ang TV5 na kanilang pinakawalan ang kanilang mga talent na nasa bakuran na ngayon ng ABS-CBN?
    
Except for Derek Ramsay na nananatiling loyal sa Kapatid TV network, halos lahat ng dating contract talents ng TV5 ay nagsilipatan na sa bakuran ng Kapamilya Network tulad nina JC de Vera, Vin Abrenica, Mark Neumann, Ritz Azul, Arci Muñoz, Empoy Marquez at maging si Wendell Ramos.  Kahit ang dating Kapamilya stars na lumipat ng Singko tulad nina Sharon Cuneta at Aga Muhlach ay balik sa bakuran ng ABS-CBN.
    
Kung gaano ka-aggressive noon ang TV5 sa pag-sign up ng mga kilalang celebrities at pagtuklas ng mga bagong mukha, mukhang hindi na ito ang direksiyon ngayon ng nasabing TV network.
    
With Coach Chot Reyes now heading TV5, hindi kami magtataka kung ma-identify as sports channel ang Kapatid Network.
    
Samantala, marami naman ang nag-aabang kung kelan daw babalik si Derek sa Kapamilya Network na siyang unang nag-build-up sa kanya?

AI-AI, ’DI NAWAWALAN NG PROJECT, MAGANDA PA ANG LOVELIFE

SOBRANG blessed ngayon ang Comedy Queen na si Ai-Ai de las Alas dahil bukod sa hindi siya nawawalan ng projects (TV and movies) ay maganda ang takbo ng kanyang lovelife.  Katunayan, nakatakda na siyang ikasal sa kanyang fiance na si Gerald Sibayan sa darating na December 12.
    
Although hindi pa nagbibigay ng complete details si Ai-Ai na may kinalaman sa kanilang nalalapit na pag-iisang-dibdib ni Gerald, nagpakawala siya ng ibang impormasyon tulad ng pagiging bahagi ng wedding entourage ng tatlong personalidad na sobrang malapit sa kanyang puso – ang Megastar na si Sharon Cuneta, ang kanyang `twin’ sister na si Marian Rivera (na siyang sasagot ng kanyang wedding gown) at si Alden Richards.  Of course, there are more celebrities na makakabilang among the principal and secondary sponsors.
    
Matapos nilang magsama ni Bossing (Vic Sotto) sa sitcom na “Hay, Bahay!,” malapit na muling mapanood sina Bossing at Ai-Ai sa isang panibagong sitcom, ang “Bossing & Ai” sa bakuran pa rin ng GMA.  Ito’y bukod sa sa magkakasunod na movie mula sa Cineko Productions, Star Cinema at Regal Films.

PANCHO AT MAX IKAKASAL NA RIN

ITINAKDA naman sa December 11, 2017 ang Christian wedding ng isa pang engaged couple na sina Pancho Magno at Max Collins na gaganapin sa grand ballroom ng Marriott Hotel.
    
Since very close ang mommy ng actor na si Pancho , ang lady executive ng GMA na si Redgie Magno sa Pambansang Kamao at senador na si Manny Pacquio at misis nitong si Jinkee, ang dalawa ay siyang mangunguna sa listahan ng principal sponsors.
    
Nag-propose si Pancho kay Max sa kanilang 4th anniversary sa Boracay.
    
Samantala, kahit malapit nang maging mag-asawa sina Pancho at Max, magpapatuloy pa rin umano ang dalawa sa kanilang respective showbiz career.

BEA AT IAN PAG-AAGAWAN

MALAKAS ang impact ng tambalan nina Ian Veneracion at Bea Alonzo sa “A Love To Last” na malapit nang magtapos sa ere.
    
Pagkatapos ng TV series, maraming concert producers sa ibang bansa ang gustong kunin ang serbisyo ng dalawa (Ian at Bea).
    
Tumatak ang respective roles nina Ian as Anton at si Bea naman bilang si Andeng at marami naman ang galit sa character ni Iza Calzado as Grace na ex-wife ni Anton at siyang nanggulo sa masayang pagsasama nina Anton at Andeng.
    
Napakasuwerte ni Ian dahil nabigyan siya ng second wind sa kanyang showbiz career.

TALK SHOW NG JOWAPAO, IPAPALIT SA 'TROPS'
    
BAGAY kaya sa isang magazine talk show ang JoWaPao  nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros?
    
Malapit na umanong mapanood ang tatlo sa isang magazine talk show na magiging pre-programming ng “Eat Bulaga” na produced din ng TAPE, Inc. na siya ring producer ng top-rating at long running noontime show na “Eat Bulaga”.
    
Ang sisimulang magazine talk show ng JoWaPao ay siyang makakapalit ng “Trops” na mapapit nang magtapos sa ere.