5,162 guests

Jolens, isinugod sa ospital!

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 317

... aktres, maayos na ang kalagayan

KAHAPON ng umaga ay nag-take-over si Mark Escueta sa Instagram account  ng asawang si Jolina Magdangal para sabihing isinugod niya sa ospital ang misis.

“Hi, si Mark ito. Ako na muna ang nagpost sa ig ni Jolina. Kaninang 6:30 a.m. nagising si Jolina dahil masakit daw ang lower back niya, hanggang harapan.
    
“Nandito na naman kami sa ER. May additional tests na kailangang gawin. Please pray that it’s nothing serious, at hindi rin complication nu’ng aksidente nu’ng Monday. Maraming salamat,” ang post ni Mark.
    
Sa larawan na ipinost niya ay makikita ang kamay na apparently ay kay Jolens na tila sumasailalim sa blood testing.
    
Sa comments section ay maraming fans ang nagpahatid ng kanilang concern kay Jolens at hiling nila ang paggaling agad ng aktres/TV host/singer.
    
Bandang tanghali ay nakatanggap kami ng update na lumabas na raw ang test results ni Jolens at thank God, negative naman daw ang blood and urine tests.
    
Matatandaang nagkaroon ng car accident si Jolens last week kaya may mga nag-worry na baka may kinalaman sa aksidente ang pain na nararamdaman ngayon ng aktres.
    
Good thing, it was nothing serious naman. Hindi na kailangang mag-alala ang kanyang fans at mga kaibigan.