4,666 guests

Jolina at Mark, gustong magkaanak ng babae

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 337
Mark And Jolina with son Pele Mark And Jolina with son Pele

HANDANG-handa na ang mag-asawang Jolina Magdangal at Mark Escueta na sundan ang kanilang three-year-old son na si Pele.

Gusto nilang magkaroon sila ng anak na babae.

Despite their busy schedule, the couple considered themselves hands-on parents to Pele at wala umano itong sariling yaya tulad ng ibang bata.

Exposed si Pele sa trabaho ng kanyang parents dahil madalas siyang kasa-kasama ng mga ito.

This coming November ay isi-celebrate nina Jolina at Mark ang kanilang ika-6th anniversary bilang mag-asawa.

Jolina got the second wind of her showbiz career nang bumalik siya sa Kapamilya Network in 2014, her original home studio habang ang kanyang husband na si Mark ay aktibo pa rin sa kanilang banda na Rivermaya where he plays the drums.
    
Regular na napapanood si Jolina sa daily morning show na “Magandang Buhay” with Karla Estrada at Melai Cantiveros and every Sunday sa “ASAP” both on ABS-CBN.

RACHELLE ANN, MAY DALAWANG PINAGHAHANDAAN

THERE's no stopping international stage singer-actress Rachelle Ann Go who will soon start the West End run of “Hamilton,” her third musical play in London where she will play the role of Eliza Schuyler-Hamilton.
    
It was in 2014 nang unang sumabak si Rachelle Ann sa re-staging ng “Miss Saigon” sa West End where she played the role of Gigi van Tranh, the same role na kanyang ginampanan sa Broadway re-run nito na nagsimula last March 2017 at magtatapos in January 2018.  Pero last August ay nagpaalam na si Rachelle Ann sa Broadway run ng “Miss Saigon” para mapaghandaan naman niya ang West End run ng “Hamilton” na magsisimula sa November 2017.  Pero bago tumuloy ng London ay umuwi muna ng Pilipinas si Rachelle Ann to visit her family and friends at para dito rin sa bansa i-celebrate ang kanyang ika-31st birthday last August 31 kasama ang American boyfriend na si Martin Spies.  While they were in Boracay, nag-propose si Martin kay Rachelle Ann.  Ito bale ang biggest surprise birthday gift na natanggap ng  award-winning singer and stage actress.
    
Samantala, ang major cast ng “Hamilton” sa West End ay binubuo nina Jamael Westman who will play the role of Alexander Hamilton, Giles Terera as Aaron Burr, Michael Jibson as King George, Rachlle Ann Go as Eliza Schuyler-Hamilton, Rachel John ast Angelica Schuyler, Jason Pennycooke as Marquis de Lafayette/Thomas Jefferson, Obioma Ugoala as George Washington, Christine Allado as Peggy Schuyler/Maria Reynods and Tarinn Callender as Hercules Milligan/James Madison.
    
Previews start on November 21 habang ang regular run ng “Hamilton” will start on December 7  at Victoria Palace Theatre in London.
    
Bukod kay Rachelle Ann, isa pang Pinay ang makakasama niya sa West End run ng  “Hamilton,” si Cristine Allado.
    
Bago ang “Hamilton” ay nauna nang ginampanan ni Rachelle Ann ang role na Gigi van Tranh sa West End and Broadway re-staging ng “Miss Saigon” at sa West-End run ng “Les Misebrables” kung saan niya ginampanan ang papel na Fantine.

DJ, MAY BAGONG BABY

FORMER “That’s Entertainment” talent and actor DJ Durano is a proud father ng bagong silang na baby girl na si Jaden Dominique courtesy of his non-showbiz girlfriend na si Joanne Dy na nagmula sa isang political clan ng Isabela.
    
Si Jaden Dominique ay isinilang last September 12  sa St. Luke’s Medical Center in Quezon City.
    
Bukod kay Jaden Dominque, si DJ ay may isa nang teen-age daughter na si Yen from a previous relationship.

CLAUDINE NEEDS TO LOSE SOME POUNDS

NAKATAKDANG dumalo sa 2017 Star Magic Ball ang dating Kapamilya star na si Claudine Barretto na gaganapin sa Makati Shangri-La  Hotel in Makati on September 30.  
    
Hudyat kaya ito ng kanyang muling pagbabalik sa kanyang  dating home studio?
    
Nakita namin si Claudine last September 8 sa “Hey, It’s Me….Jamie” concert ni Jamie Rivera sa Music Museum at medyo mataba ito ngayon.
    
Kung gusto talaga ni Claudine na maging aktibong muli sa kanyang showbiz career, she needs to lose those unwanted pounds.

ANAK, MALAYO ANG LOOB KAY PAULO

PAULO Avelino has a 7-year-old son sa kanyang ex-girlfriend na si LJ Reyes, si Ethan Akio.
    
Kung noon ay maganda ang relasyon at komunikasyon nina Paulo at LJ pagdating sa kanilang anak, ngayon ay tila may problema ang dalawa dahil bihira na umanong makita at makasama ni Paulo ang anak.  Katunayan, wala si Paulo sa ika-7th birthday ni Aki pero nandun ang boyfriend ngayon ni LJ, ang actor na si Paolo Contis na matagal nang hiwalay sa kanyang ex-wife na si Lian Paz kung kanino naman may dalawang anak na babae ang actor – sina Xonia at Xalene.  Ang dalawang bata ay kasama ng kanilang inang si Lian Paz at bagong karelasyon nito ngayong si John Cabahug sa Cebu.  Ang dalawa ay meron na ring isang anak na babae, si Nina Angela.
    
Although si Paulo Avelino ang biological dad ni Aki, hindi maikakaila na very close ang bata sa nobyo ng kanyang ina na si Paolo Contis,

JC, EXCITED MAKASAMA ANG ILANG KAPUSO STARS

MASAYA ang Kapamilya actor na si JC Santos that he gets to work with some of the Kapuso stars sa Metro Manila Film Festival movie na “Meant To Beh, Ika Something na Utos” na tinatampukan nina Vic `Bossing’ Sotto at Dawn Zulueta mula sa direksiyon ni Chris Martinez at joint production ng OctoArts Films, M-Zet Productions at APT Entertainment.
    
Although kasama rin ni JC ang dalawa pang Kapamilya stars na sina Daniel Matsunaga at Sue Ramirez sa nasabing pelikula, first time naman nilang katrabaho sina Bossing (Vic Sotto), Dawn Zulueta, Ruru Madrid, Gabbi Garcia, Baby Baste at iba pa.  First MMFF movie rin ito ni JC and that makes him doubly excited.
    
Kahit nakaka-isang taon pa lamang magmula nang siya’y ipakilala sa teleseryeng “`Till I Met You” na tinampukan nina James Reid at Nadine Lustre last year,  naging sunud-sunod ang kanyang projects at kasama na rito ang kanyang recent hit movie with Bela Padilla, ang “100 Tula Para Kay Estela” na siyang nanguna sa 12 kalahok  sa kauna-unahang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).  Kasama rin si JC sa “Debutantes” ng Regal Films at “Mr. & Mrs. Cruz” with Ryza Cenon na pamamahalaan ng “Kita-Kita” director na si Sigrid Bernardo.
    
JC is romantically linked sa theater actress na si Joan Kristine `Teetin’ Villanueva at tatlong taon na ang kanilang relasyon.

DANIEL, ’DI NAWAWALAN NG PROJECT

ANG isa pang hindi nawawalan ng proyekto ngayon ay ang Brazilian-Japanese model-turned actor na si Daniel Matsunaga na naging ex-boyfriend pareho nina Heart Evangelista at Erich Gonzales.
    
Si Daniel ay kasama rin sa MMFF movie nina Vic Sotto at Dawn Zueluta, ang “Meant To Be, Ika Something Utos” with writer-director Chris Martinez at the helm.