5,102 guests

Jopay ng Sex Bomb, buntis

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 747
Jopay Paguia Jopay Paguia

SUNUD-SUNOD ang buntis ngayon sa showbiz. After Kaye Abad, courtesy of husband, Paul Jake Castillo, kasunod na nag-announce si Nikki Gil sa kanyang non-showbiz hubby.

Ang latest na buntis ngayon ay ang dancer-actress na si Jopay Paguia ng grupong Sex Bomb. Matapos makunan noong 2015, nakabuo na sila ng asawang si Joshua Zamora ng dance group na Maneouvres.

Sa Instagram video ni Jopay, inilabas nila ang pagkakabuo ng unang baby.

“With patience and faith, we waited for our miracle. And now with love, we joyfully announce the coming of our newest member of the family. Another sweet smile to brighten our day, another small hand to hold on the way! A new hand to hold, a new heart to love…

“Thank you Lord for your love and blessing. Thank you Babs for taking care of me, alam ko na pagod ka at napupuyat ka, thank you talaga. I love you so much syempre pati na ang baby natin…,” bahagi ng post ni Jopay na sinamahan ng verses sa Bible.
    
Samantala, ang dating co-member niya sa Sex Bomb na si Rochelle Pangilinan ay pakakasal na sa fiancée na si Arthur Solinap.
    
Ngayong buwan namang ito inaasahan ang panganganak ni Kylie Padilla sa panganay nila ni Aljur Abrenica.

Yassi, jackpot sa bagong raket

JACKPOT si Yassi Pressman dahil siya ang kauna-unahang Filipina celebrity endorser ng Nivea Deodorant.
    
Sa dinami-rami nga naman ng artista, eh, siya ang kinuhang first local endorser.
    
“Sa dinami-rami ng artista rito, ako ’yung napili nila. I feel so honored. Very, very blessed and very happy to represent the product here in the Philippines,” saad ni Yassi sa launching ng endorsement niya sa Novotel Manila kahapon.
    
Gaya ng napakaraming kababaihan, si Yassi ay simbolo ng kanyang henerasyon na may angking tiwala sa sarili at laging handang mag-level up.
    
Handa na rin niyang simulan ang mga bagong karanasan at pagtagumpayan ang bawat pagsubok ng buhay.
    
Ito rin ang mga katangiang pinaniniwalaan ng Nivea kung kaya naman nagbigay daan ito upang hirangin si Yassi bilang kauna-unahang Filipina celebrity endorser ng Nivea Deo.
    
Ang Nivea Extra White Serum ay may bisang tumatagal ng 48 oras na sumakto sa magdamagang pagtatrabaho ni Yassi sa tapings at shootings.