7,845 guests

Kapatid ni Aly, ‘Ate Kace’ ang tawag kay KC

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 3591

Cristina, nag-sorry sa tweet ng anak laban kay Leni

KUNG boto si Sharon Cuneta sa bagong suitor ng anak na si KC Concepcion, si Aly Borromeo, proud din ang sister ni Aly na maging big sister ang panganay na anak ng megastar.

Nag-post si Annie Borromeo ng picture nila ni KC Concepcion kahapon sa Instagram habang nasa Rizal Memorial Sports Coliseum ang dalawa.

“Ate Kace” na nga ang tawag ni Annie kay KC sa caption nito sa IG.
   
“For someone who just entered our lives now, I consider you as my big sister, a big sister I’ve never had but finally have now. Thank you for being you & making our lives extra happy! You’re one of a kind. I love you Ate Kace!”
   
Unlike her mom Shawie na maagang nag-asawa, hindi sinundan ni KC ang yapak ng ina dahil hanggang ngayon, eh, wala pa siyang boyfriend na magiging kapareha niya habambuhay.
   
Mas pinili niyang i-enjoy ang pagiging single to the max, huh!

* * *

HUMINGI na ng apology si Cristina Gonzales-Romualdez sa tweet ng kanyang anak laban kay Leni Robredo.        
   
Tiyuhin ng bagets si VP bet Bongbong Marcos kaya hindi napigilan ang ilabas ang nararamdaman sa laban ng tito kay Robredo.
   
Sa totoo lang, hindi lang mga nanay at tatay ng presidentiables at vice presidentiables ang umeksena sa social media, huh!
   
Ang anak ni Bongbong na si Sandro ang pinakamasipag sa lahat. Na-bash nga lang siya nang meron siyang pinost tungkol sa “Daang Matuwid,” pero humingi naman siya ng dispensa.
   
Naging malapit din siya sa anak ni Mar Roxas na si Paolo at gayundin sa anak ni Mayor Duterte.
   
Hindi nga lang sumawsaw ang mga anak ni Cong. Leni sa social media. Pero kung sakaling ang ina ang palarin bilang vice president, wala silang choice kundi maging visible rin sa tao.
   
Malay natin, pagdating ng panahon, eh, ang mga batang ito naman ang maglaban-laban sa pulitika, huh!

* * *

MALUNGKOT man si Ai-Ai de las Alas sa pagkawala ng unang apo niya sa girlfriend ng anak niyang si Sancho, tuloy pa rin ang mundo niya.
   
Sa post ni Ai sa Instagram account niya kahapon, kinunan niya ang pagbisita niya sa ginagawang bahay.        
   
Nagpasalamat ang comedy queen sa Diyos sa patuloy na pagbigay ng biyaya sa kanya.
   
Bukod sa personal niyang activities, tuloy pa rin ang shooting ni Ai-Ai sa Regal movie niyang Our Mighty Yaya.
   
Hindi na June 8 ang playdate nito dahil inurong na ito sa July, ayon kay Roselle Monteverde.