8,375 guests

Kinuyog!

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 671
Marian Rivera Marian Rivera

Kawawa ang mga artista sa mga nakakasabay na pasahero sa eroplano at mga flight attendant na matabil at gumagawa ng kwento.

Biktima nito si Marian Rivera na binash ng nakasabay sa Emirates dahil hindi napagbigyan ang request na makasama ito sa picture.

Sinabi pa ng basher na business class gold member siya at ini-expect siguro na agad pagbibigyan ang request.

Kaso nga, kasama ni Marian si Dingdong Dantes at ang anak na si Zia at ang bata ang priority niya.

Sumabay pa ang FA ng airlines at sumugod pa raw ang dalawa sa ibang news page para ikuwento ang experience nila kay Marian.
    
Ayun, kinuyog sila ng fans ni Marian at ang iba’y nag-e-mail sa Emirates para isumbong ang FA nila.
    
Mabuti na lang at sa presscon ng Tadhana, nabanggit ni Marian na hindi na niya pinapansin ang mga basher at maling kwento sa kanya.
    
Sa dami raw ng blessings na dumarating sa kanya, wala na siyang time para intindihin pa ’yun.
    
“Hindi perfect ang family namin, close to perfect, biro lang, pero masaya ako sa buhay ko ngayon. May mabait akong asawa, anak, maraming taong nagmamahal sa akin at maraming biyayang dumarating. Isa na rito ang pagiging host ko ng Tadhana, hindi ko na pinapansin ang mga ganyan,” pahayag ni Marian.
    
First time mag-host ni Marian ng show na magiging tulay para makatulong sa mga OFW at isa ito sa mga rason kung bakit niya tinanggap ang project.
    
Today na ang pilot nito pagkatapos ng Ika-6 Na Utos.