5,205 guests

Kris, wagi ng bronze sa 2017 Berlin Native Advertising Awards

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 330

NON-STOP talaga sa pagiging achiever itong si Kris Aquino, huh!

Aba, may bago siyang achievement bilang social media influencer. Parang hindi rin siya nawala
sa TV dahil very visible naman ang mga post niya sa social media at sa kanyang Kris Aquino blog.
    
Sa post ni Kris recently, ipinagmalaki niya ang award na natanggap. Ginawaran siya ng Bronze
Award ng Berlin Native Advertising Awards for Best Influencer 2017.
    
Ani Kris sa kanyang post, “It all started because I had to find a way, network TV was no
longer open to me. I researched & knew that going online was an avenue I could try.
    
“With a brand new team, we knocked on doors -- @nbsalert was 1 of our 1st believers. Thank You
God for this blessing! We’re back home & I saw a message from 1 of my life’s heaven sent angels,
 
@xandraramos.
    
“To all of you who could now be where I was at the start of 2017, questioning the how comes &
the -- what Ifs -- take it from me: JKP -- Just Keep Praying!     “Surround yourself w/
creative, positive, hard-working, loyal people, and don’t lose faith because as promised in Jeremiah
29:11 “For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm
you, plans to give you hope and a future,” post ni Kris.
    
Dagdag pa niya, “In all my years of working on tv & film -- this is my first European
recognition. It is all the more meaningful because it was a digital production done by our KCAP team
w/ guidance from Huddle Room & it was a shoot I did w/ my bunso. Good night from a very grateful
believer in God’s wondrous ways.”
    
At least, kahit walang TV exposures ay ratsada naman si Kris bilang  social media influencer
sa online world na very much in sa panahon ngayon.

Hindi rin siya nawawalan ng product endorsements at ang pinakahuli niya ay ’yung sa PLDT
kung hindi kami nagkakamali.
    
Nandiyan pa rin sa kanya ang Ariel, Chowking kung saan meron siyang branches at kung anu-ano
pa. Tuluy-tuloy din ang kanyang fund-raising drive para sa cancer patients sa PGH.
    
Pero  honestly, nakaka-miss din si Kris mapanood sa TV. After kasi niyang mag-resign sa ABS-
CBN ay hindi na ulit siya nagkaroon ng TV show. Mabuti na nga lang at may iba pang platform kung saan
puwedeng makita si Kris. Salamat sa social media at sa internet.