5,153 guests

Lagot!

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 441

Basher ni Hashtag Jon, wanted kay Vice

‘Napakawalanghiya mong hayop ka!’

Lagot kay Vice Ganda ang neti-zen na nag-tweet na sana si Jon Lucas na lang sa Hashtag member ang
namatay at hindi si Franco Hernandez na nalunod sa ba-kasyon kasama ang girlfriend sa Davao
Occidental.

Reaction ni Vice sa walang pusong comment: “Gusto kitang makita sa personal. Gusto kong sabihin mo
sa akin ’yan nang harapan. Gusto kitang paglaanan ng oras, ’Wag mga kaibigan ko! ’Wag ngayon.
    
“Hintayin mong makabalik ako sa Pilipinas at ipapahanap kitang demonyo ka! ’Di mo alam kung
gaano kalungkot ang pinagdadaanan namin ngayon. Sa gitna ng pagluluksa namin ngayon, ’di ko papayagang
may lumapastangan sa mga taong malapit sa ’kin. Napakawalanghiya mong hayop ka!”
    
Sa pagbabalik ni Vice mula sa New Zealand sa pagdalo sa kasal nina Erwan Heussaff at Anne
Curtis, ang paghahanap sa netizen ang isa sa mga una nitong gagawin.

* * *

Ang sikat na doll na si Barbie ang peg ng ayos ni Paolo Ballesteros sa presscon ng Barbi, D’ Wonder
Beki.     Inabot ng dalawang oras ang kanyang pagmi-make up at sa shooting, mas matagal pa ang
pagmi-make up ni Paolo at sabi nga ni Miguel Tanfelix, iniiwan nila si Paolo para mag-shoot na nagmi-
make up. After ng shooting nila, nagmi-make up pa rin ito. Bagay na hashtag sa kanya ang
#MaekeUpIsLife.
    
Sabi ni Director Tony Y. Reyes, maraming transformation na gagawin si Paolo sa Barbi D’ Wonder
Beki. Dahil ito sa trabaho ng karakter nito na isang stage performer at kailangan ng iba’t ibang ayos
at hitsura.
    
Curious pala kami kung matutuloy ang guesting ni Paolo sa Tonight With Boy Abunda sa ABS-CBN
para i-promote ang Barbi D’ Wonder Beki  na showing sa November 29. Makakasabay kasi nito sa playdate
ang movie nina Sharon Cuneta at Robin Padilla ng Star Cinema na Unexpectedly Yours.
    
Mauuna pa pala ang showing ng Trip Ubusan: The Lolas Vs. Zombies sa Nov. 22. Kasama rito ni
Paolo sina Wally Bayola, Jose Manalo, Angelika dela Cruz, at iba pa.

* * *

Natutuwa si Mother Lily sa sipag mag-promote ni Ken Chan ng This Time I’ll Be Sweeter dahil kahit
showing na ang pelikula, tuloy pa rin ang pagpu-post nito sa socmed na panoorin ang Regal Multimedia
movie nila ni Barbie Forteza.
    
Present siya sa cinema tour na ini-schedule ng Regal at present sa lahat ng block screening na
bigay ng solid fans niya at KenBie fans.
    
Naimbitahan kami ng KENdys fans niya sa pang-7th block screening na ginawa sa SM Light at may
tatlo pang naka-schedule na BS, isa ang sa SM Clark sa Pampanga.
    
Sabi ni Ken, hangga’t kaya niya, pupuntahan niya ang block screening bilang pasasalamat sa
fans.
    
“Sobra ang pasasalamat ko sa suporta nila sa akin at sa movie na first lead role ko.
Nakakatuwa ang suporta nila sa akin, kaya sa KENdys, KenBie Dolls, KENators  at sa lahat, maraming
salamat. Thank you rin kay Michael Angelo na nagpa-block screening sa Trinoma.”
    
Ikinatuwa rin ni Ken ang tawag sa kanya ni Mother Lily congratulating him and Barbie sa
magandang box-office gross ng This Time I’ll Be Sweeter. Magdi-dinner sila ni Mother pagbalik niya
from the States for his next project sa Regal.
    
Aalis si Ken sa December 1 for his first US vacation at sa 10 days, pupuntahan ang naka-list
na itinerary kabilang ang New York para manood ng plays, Chicago dahil that time, may snow na at
Maryland to visit his aunt.
    
Bago umalis, rarampa muna si Ken sa Bench show sa November 18 sa MOA Arena. T-shirts at pants
ang suot niya sa pagrampa dahil hindi pa niya afford mag-topless. Masayang ibinalita ni Ken na nag-
sign na siya ng contract bilang Bench endorser.

* * *

Makikita sa pinost na video at pictures ni Heart Evangelista ang dami ng tao na pumunta sa Robinsons
Place Malolos para sa Christmas Tree Lighting at mall show na rin ng cast ng My Korean Jagiya. Kita
ang pagsisiksikan ng napakaraming tao na lahat ng floor ng mall ay puno.
    
Dinig na dinig din ang malakas na sigawan lalo na nang mag-duet sina Heart at Alexander Lee ng
theme song ng My Korean Jagiya.
    
Kasama nilang nagpasaya sa tao sina Edgar Allan Guzman, Myke Salomon, ang child star na Khaine
dela Cruz na kinarga para ’di masaktan at si Iya Villania.

Paano ba ’yan at marami pa ang  nagri-request na sa lugar naman nila mag-mall show ang cast?
Kaya pa kaya ng schedule, eh, sa January 2018 na ang ending nila?