4,990 guests

Laplapang Jennylyn-Gil, inabot ng nine takes

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 494
Gil Cuerva  & Jennylyn Mercado Gil Cuerva & Jennylyn Mercado

Nine takes inabot ang kissing scene nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva sa My Love from the Star. Ito ’yung eksenang pinakikita sa trailer na talaga namang binusisi nang husto ni Direk Joyce Bernal at pinaulit nang pinaulit sa kanila.

Sa panayam kina Gil at Jen sa grand presscon ng MLFTS last Thursday night, nagkailangan daw kasi sila at first, lalo na nga sa newbie actor dahil first kissing scene niya.

Kaya naman sinabihan sila ni Bb. Joyce na hangga’t hindi nila nakukuha ang kissing scene, hindi sila uuwi.

Ang ending, inabot ng nine takes.

“Kasi, walang ma-feel si Direk,” paliwanag ni Jen, “parang nakikita ni Direk na nahihiya pa kami sa isa’t isa.”

Sabi naman ni Gil, “Very particular kasi si Direk sa ano, eh, gusto niyang makita talaga na ramdam na ramdam, tapos may certain blocking po, ’yung hinila ko si Jen, it’s actually a lot harder to take.”
    
Bukod dito, nahihiya raw talaga siya kay Jen.
    
“Syempre, si Jennylyn ’yun, ’di ba? So, talagang nahiya ako, kinabahan ako, hindi lang basta-basta ’yung ka-kissing scene ko, si Jennylyn pa talaga, so I guess a lot of nervousness came out and it took a lot of tries para mawala ’yun, para lang maisip ko na I’m just part of the scene, para ma-enjoy ko,” sabi ni Gil na medyo hindi sanay mag-Tagalog.
    
Hanggang sa nag-usap na raw sila ni Jen na galingan na nila para matapos na.
    
So, ginalingan niya?
    
“Oo, the ninth try...,” natatawang sabi ni Gil.
    
Hindi ba siya magaling humalik?
    
“Nahiya lang naman po,” natatawang sabi ng new actor.
    
Hindi naman niya naramdaman na nainis si Jen?
    
“Hindi naman, kasi very patient si Jen, eh, very nice. It was more of ako, mas ako ’yung pressured, ’yun po,” he said.
    
Nag-audition si Gil para sa role at siyempre, sobrang happy niya nang siya ang mapili sa dinami-rami ng nag-audition. Lalo pa siyang natuwa sa mga positive comment nang lumabas ang trailer. Bukod sa ang gwapo niya sa screen, may chemistry pa sila ni Jen.        
    
Bago nag-audition si Gil for MLFTS, ramp model siya na may kontrata sa Thailand.
    
“Actually, before I auditioned, may kontrata po ako sa Thailand, magmu-model po ako sa Thailand. Actually, nasa Pilipinas po ako for two weeks, para lang ayusin ang visa ko para sa Thailand.
    
“Tapos may nag-e-mail sa akin na mag-audition ako sa show. Sabi ko, why not, try lang, let’s see where it goes. So, ayun, nakuha ko po, so I had to sacrifice ’yung pagmu-model ko sa Thailand. Actually, ’yung modeling as a whole, isa-sacrifice ko na kasi acting ’yung naging focus ko,” he said.
    
Asked kung ano ang masasabi niya na si Alden Richards ang pinalitan niya to play the role of Matteo Domingo, he said, “Big shoe to fill in and again, ’yun nga, sobrang thankful and honored na napunta sa akin ’yung role.”
    
Magsisimula na sa May 29 ang MLFTS sa primetime slot ng GMA-7. Kasama rin dito sina Gabby Eigenmann, Christian Bautista, Glydel Mercado, Jackie Rice, Renz Fernandez, Melissa Mendez at marami pang iba.