4,855 guests

Lea, balik-Broadway!

  • Written by Lito Mañago
  • Published in Showbiz
  • Read: 213

THE original Kim in Miss Saigon at resident coach ng The Voice PH na si Lea Salonga ay muling babalik sa Broadway sa New York City, USA this fall.

Lea will play the role of Erzulie, Goddess of Love, sa award-winning musical na Once On This Island at mapapanood ito sa Circle in the Square Theater simula December 3.

Makakasama ng Tony winner sina Alex Newell (Glee), Merle Dandridge (Greenleaf) at Quentin Earl Darrington (Cats).

Sa Twitter post ng Broadway diva, sabi lang niya when it was announced by its producer, “I have been keeping this for months! So excited to be returning to Broadway this fall in one of my favorite shows!”

Huling nag-perform si Lea sa Broadway nu’ng 2015 via Allegiance kasama sina George Takei, Katie Rose Clark at Telly Yeung.

Katatapos lang ni Lea mag-perform sa Lytham Festival 2017 sa Lancashire, England kasama ang iba pang West End stars.
    
Ang Lytham Proms Festival ay itinuturing na biggest live music event sa buong Inglatera.

* * *

SECOND day na ngayong linggo ng nakakaaliw na programang Little Big Shots, hosted by Billy Crawford, para sa Kapamilya Network.
    
Bida sa programa, ayon na rin sa fiancé ni Coleen Garcia, ang mga bibong batang may edad 2 to 12.
    
“Sa title pa lang, Little Big Shots, so ’yung mga big star natin dito, ’yung mga kabataan,” ani Billy.
    
Sa napanood naming special preview ng pilot episode kamakailan lang, aliw na aliw kami sa super-cute at super-talented na mga batang na-feature sa programa.
    
Naibulalas tuloy ni Billy, “Parang gusto ko nang magkaanak dahil sa show na ito.” Pero biglang binawi ito ng host at sabi niya, “hindi pa pala puwede dahil next year pa ang wedding namin.”
    
“It was a challenging role for me to play kasi I would expect, like Steve (Harvey) or other hosts sa ibang bansa ay mga parents na po sila,” sambit ng singer/TV host.
    
Ang Little Big Shots ay konsepto ng American TV hosts na sina Ellen DeGeneres at Steve Harvey.  Ang Warner Bros. naman ang franchise owner nito.