5,129 guests

Liza, kakaririn ang singing

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 457

KAHIT hindi talalaga legit na singer ay kinuha si Liza Soberano ng Megapro Plus and Megasound Karaoke System para maging brand ambassador nila. Hindi naman daw porke hindi bumibirit ay hindi na puwedeng maging endorser ng karaoke brand.

Pero aminado si Liza na kumakanta din naman siya at nag-voice lesson pa nga noong bata pa. Hindi nga lang niya dinire-diretso dahil naging busy na siya sa pelikula at teleserye.
    
Gusto rin daw niyang magkaroon ng album at makipag-collaborate kay KZ Tandingan. May na-compose na rin siyang kanta na ayon sa kanya ay balak niyang iparinig sa Star Music. Kaya lang, may isa raw siyang kanta na masyadong personal at ayaw niyang i-record.
    
Sinulat daw niya ang kanta nu’ng nasa  “low moment” siya ng kanyang life.
    
Anyway, wait na lang tayo kung kailan matutupad ang dream niya na magka-album kasi for the meantime, ang focus muna ni Liza ay ang training na ginagawa niya para sa  pelikulang Darna na ididirek ni Erik Matti.
    
Ayon pa kay Liza, supportive naman ang ka-loveteam niyang si Enrique Gil sa kanyang bagong project kahit pa hindi siya kasama sa movie.
    
“When he found out, he was supportive naman. He said kaya ko ’yan, and now, sinasamahan niya rin ako sa pagwu-workout.”
    
When asked kung hindi ba natatakot si Enrique na baka mabuwag ang love team nila ngayong hindi sila magkakasama sa movie, sey ni Liza, hind raw naman.
 
“Oh no! Just like what he did before, he did Dukot, but we were still in a loveteam together. Parang same thing as this, I’m doing Darna but we also have a project aside from that.”
    
Pero wini-welcome daw naman niya ang idea na maging leading man si Quen o magkaroon ng kahit cameo role lang sa Darna.
    
“I would love that. Yes, I think, it would make a lot of people happy as well if he were in the movie,” sey pa niya.