5,110 guests

Luis, binuyong pakasalan si Jessy

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 301

Hindi talaga nakapagpigil si Jessy Mendiola at sinagot ang mga basher niya sa Instagram na nag-
aakalang hindi talaga siya invited sa kasal nina Anne Curtis at Erwan Heussaff sa Queenstown, New
Zeleand, at sumama lang sa boyfriend na si Luis Manzano.

Sumagot si Jessy sa IG post ni Luis at humingi siya ng dispensa sa boyfriend dahil naka-turn-
off daw ang comments section niya.
    
“And sa lahat ng mga tao na makikitid ang utak na namumroblema kung sinong invited o hindi,
hindi naman siguro ako pupunta sa kasal na hindi ako invited. I just think that’s crazy,” ang sagot ni
Jessy.
    
Nagpahaging din siya sa mga comment na umiiwas sila ni Luis na magkrus ang landas with
somebody na alam naman ng lahat na si Angel Locsin na ex-girfriend ng TV host/actor na naroroon din sa
Anne-Erwan wedding.
    
“Good vibes lang po sana, doesn’t matter kung sinu- sino ang magkikita-kita, the important
thing is we are ready to put aside our issues for such a wonderful event.
    
“Sana lahat din ng tao ganon na lang, let’s celebrate the love of Anne and Erwan for each
other na lang ok?

Spread love and peace not hate please! (sorry @luckymanzano dito na lang ako sumagot, I turned off my
comments section para iwas nega. I love you how!),” bahagi pa ng sagot ni Jessy.
    
Sinagot din niya ang payo ng isang netizen kay Luis na magpakasal na lang sila.
    
“If you love her that much then marry her, maybe then you can save her from all the bashing.
If she’s the one for you then what are you waiting for? Right age naman na and it’s not like Jessy has
to put any career on hold if you do settle down,” ang komento ng nasabing netizen.
    
Sagot naman ni Jessy, “I may not have a superstar status but i do have dreams on my own. Who
are you to say that I don’t have a career on my own? I am working on it, after all... im only 24.
Marriage is not something you just do for the sake of pleasing other people, not to save anyone from
bashing. It’s a special union that binds two people in love. Everything happens at the right time and
with the right reasons. Maybe you need to get your values checked. Have a good day, God bless you.”
    
Marami naman ang naawa kay Jessy at ipinagtanggol din siya mula sa mga basher na talaga namang
grabe kung makalait.