7,117 guests

Luis, masaya kay Jessy -- Ate Vi

  • Written by NEL ALEJANDRINO
  • Published in Showbiz
  • Read: 638

HINDI pala magiging issue kay Lipa Representative Vilma Santos-Recto  sino man ang babaing pakasalan ng panganay niyang si Luis Manzano.

As it is, feeling niya, happy si Luis sa current relationship with Jessy Mendiola. 

Nababaitan din daw siya kay Jessy.
    
We had the chance na makausap si Ate Vi, Ian F., sa office niya sa Congress during a break sa kanilang session sa current tax measures na binubuo ng House of Representatives na malamang na ma-implement next year.
    
Sa kanyang suot na red dress at matching floral scarf, Rep. Vi looked in her element that day. Star na star pa rin ang dating niya.
    
Asked kung wala na siyang balak maging active sa showbiz, ang maliksi niyang sagot, “Hindi nawawala ’yon sa bucket list ko.”
    
May mga offer siyang kinu-consider, but if she could have her way, aniya, she’d love to produce indie films, tulad ng ginawa niya recently, Ekstra.
    
She might even direct it herself.
    
How long has she been in showbiz?
    
Sagot niya, close to 50 years na yata. She was nine years old when she starred in Trudis Liit under Sampaguita Pictures.
    
Her last movie outing, Everything About Her for Star Cinema, gave her the best actress award sa Guillermo Mendoza Memorial Awards Foundation.