4,809 guests

Mababaw

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 402

Government official, pinagtawanan ng aktres

Pamilya nina Zoren at Carmina, lipat-network

LIPAT-NETWORK muna ang pamilya Legaspi nina Zoren, Carmina at kambal na sina Cassy at Mavy para sa GMA News & Public Affairs TV special na Road Trip.

Ang tsismis nga, nahikayat ni Zoren ang mag-iina na samahan siya sa special matapos siyang mapanood sa telefantasya na Encantadia.

Naglabas si Carmina ng pasilip ng video nilang mag-anak sa Instagram sa ginawang taping sa Batanes.
    
“Guest po kami sa new show ng GMA -- Road Trip. July 23 ang pilot episode. Abangan.”
    
Sa second video, nasa iba’t ibang lugar sila ng probinsiya.
    
Sa totoo lang, hindi lang ang Legaspi family ang featured sa special. Bahagi rin sina Kris Bernal, Jinri Park, Arny Ross at Meg Imperial na sa Palawan naman nagkabugan pagdating sa suot nilang swimwear sa beach.
    
Maging ang ikakasal na si Arthur Solinap ay featured din kasama ang bridesmaid nilang sina Andrea Torres at Max Collins at sa Cagayan Valley naman nag-adventure.

* * *

PINAGTAWANAN ng isang aktres ang statement ng isang government official kaugnay ng sasakyang Uber at Grab.
    
Nagbigay rason kasi ang opisyal na kailangan itong bigyan ng franchise para maging safe ang public gaya ng may franchise na jeep, taxi, bus at iba pang pampublikong sasakyan.
    
Mababaw nga namang rason ang binigay ng official dahil pagdating sa reklamo sa safety ng pasahero, ’di hamak na mas safe ang pasahero sa Uber at Grab kumpara sa public vehicles.
    
Bago kasi magbitaw ng pahayag, magpakatotoo naman sana ang opisyal nang hindi siya lumabas na katawa-tawa, huh!
    
Hayun at todo ang share ng statement niyang ’yon sa social media!

* * *

MAINTRIGA ang title ng Pista ng Pelikulang Pilipino entry na Triptiko. Ilan sa bida rito ay sina Albie Casiño, Joseph Marco, Kean Cipriano at Kylie Padilla.
    
Si Miguel Franco Michelena ang director nito at sa impormasyong ibinigay sa amin, three-in-one movie or trilogy ito na iba’t iba ang genre.
    
Kumbaga, tatlong kuwento na “#MedyoWeird” tungkol sa isang playboy, model at musikero. Bida si Albie sa episode na Suwerte na nabago ang buhay nang makasaksi ng murder sa kalye.
    
Si Joseph naman ang tampok sa Hinog, paangat na ang career nang biglang tubuan ng sakit sa balat.
    
Ang kay Kean naman ay ang Musikerong John kung saan sa tatlong kantang ginawa, eh, mabubunyag ang trahedyang sinapit sa pagmamahal.
    
Mula sa Michelena Brothers at Barrio’s Pictures ang Triptiko na kinabibilangan din nina Art Acuna, Jerald Napoles, Jay Gonzaga, Pinky Amador, Karl Medina at Cris Michelena.