4,693 guests

Makapal!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 509

Senior actor, baklang-bakla ang dating sa make-up

2 modelo sa viral TV ad, pipirma sa GMA-7?

BUTI naman at inalagaan na ang make-up ng isang senior actor sa series na kinabibilangan niya ngayon.

Sa nakaraang episodes kasi ng programa niya, bakas na bakas sa mukha niya ang kapal ng foundation sa mukha kapag outdoor ang eksena.
   
Pero kapag indoor at maayos ang pagkakailaw sa kanya, natural ang dating ng make-up niya.
   
Guwapo na ang aktor kaya dapat light lang ang ipahid na make-up sa mukha niya.
   
Totoong lalaki siya kaya iwasang maging baklang-bakla ang make-up, huh!

* * *

BUMISITA sa GMA Network ang dalawang commercial model ng food chain na naging viral sa social media nu’ng Valentine’s Day.
   
Ang dinig namin, interesado ang Kapuso network na papirmahin sila ng kontrata.
   
Sinamantala ng GMA executive na si Joey Abacan  na makipag-photo op sa dalawa, sina MJ Tam (’yung best man ng girl sa TV ad) at si Manila Matthias (ang groom).
   
Palibhasa naging flavor ang dalawa nu’ng Araw ng mga Puso hanggang ngayon, sinilip namin ang Instagram accounts nila para malaman ang ilan pang mga detalye sa pagkatao nila.
   
Isang fitness and travel enthusiast pala si MJ, athlete, four-time physique champ at commercial model.   Nakalantad sa IG niya ang maganda niyang pangangatawan sa picture niya kasama ang trophies bilang PCBF Boracay Physique Overall Champ.
   
Pinanday niyang talaga ang katawan niya kaya kitang-kita ang six-pack abs niya.
   
Si Manila Matthias o Matthias Roads naman ay isang actor, model, multi-media designer, blogger.
   
Sa instant fame na nakamit niya dahil sa TVC na ’yon, nagbago raw bigla ang mundo niya. Lumabas kasi siyang kontrabida sa mag-best friend dahil sa kanya nagpakasal ang babae.
   
Bahagi ng post ni Matthias, “I studied advertising in college and to have 10 million + viewers WANTING to view your ads is a creative directors dream come true, and an undeniable success.”
   
Sa pagpasyal nina MJ at Matthias sa Kapuso Network, may chance na pasukin na rin nila ang showbiz, huh!
   
Buti naman at ang number one network ang pinili nilang puntahan.

* * *

IPINAGMALAKI ni Sharon Cuneta ang bagong look ng anak na si Frankie sa video na pinost niya sa kanyang Instagram account.
   
Ang panganay na anak niya kay Sen. Kiko Pangilinan ang tinataguriang “new girl.”
   
Marami nga ang hindi agad nakakilala kay Frankie. Inakala ng iba na si Pops Fernandez ang nakita nila.    Meron namang nagsabi na hawig siya ni Dominique Cojuangco, anak nina Gretchen Barretto at Tonyboy Cojuangco at ’yung iba ay si Julia Montes ang nakita sa hitsura niya.
   
Ikumpara man si Frankie sa ibang personalidad, nandoon pa rin ang paghanga sa ganda ng dalaga.      “Simple yet pretty,” sey ng isang follower ni Sharon.
   
Sabi naman ng isa, “Bata pa lang siya, I already love her. She is not just beautiful but smart and class.”