5,046 guests

Manuel L. Quezon Gawad Parangal, binulabog ni Mother Lily!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 226

BIGLANG nabulabog ang ballroom ng Seda Hotel nang tawagin na ang pangalan ni Mother Lily Monteverde bilang isa sa recipients ng Manuel L. Quezon Gawad Parangal.

Ginanap ang seremonyas nu’ng Huwebes ng gabi bilang bahagi ng selebrasyon ng 78th year ng Quezon City Foundation.

Umugong ang palakpakan at si Mother Lily, nagtatakbong paakyat ng stage para tanggapin ang award mula kina QC Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte.

Nakalimutan niyang kasama pala niya ang anak na si Roselle na pinili nang huwag umakyat sa stage.

Eh, kauna-unahang recognition kasi ni Mother Lily ang natanggap mula sa Quezon City government bilang businesswoman at outstanding citizen kaya hindi mailarawan ang excitement niya.

Nang magkaroon ng break sa bigayan ng awards, lumabas sa stage si Gabby Concepcion.

Matapos kumanta ng Nandito Ako, sinundan niya ito ng isang upbeat song at nagyaya sa audience ng gustong makipag-ballroom sa kanya.

Tinawag ni Gabo si Mother Lily nang makita niya sa audience. Game na game namang nakisayaw ng ilang sandali ang Regal matriarch sa kanyang discovery. Nagbitiw si Gabby ng pahayag na kung hindi kay Mother, walang Gabby Concepcion sa harapan nila nu’ng gabing iyon.

Matapos ang bahaging ’yon, parang artista si Mother na pinagkakaguluhan para magkaroon ng selfie, huh!

Memorable kay Mother Lily ang parangal na ’yon ng QC government dahil kaedad niya ang Quezon City (78 years) at pareho sila ng birthday ni late President Manuel L. Quezon, August 19.
    
Congratulations, Mother Lily!

* * *

WALANG halong showbiz ang friendship nina Angelica Panganiban at Glaiza de Castro.
    
Nitong mga nakaraang linggo, super liwaliw sila sa Nepal at Bhutan ng 12 days at para silang mga batang enjoy na enjoy sa kalokahang pinaggagawa.
    
Mula nang magsimula silang magkasama sa programang Berks, hindi na nawala ang koneksyon nila sa isa’t isa.
    
“Minsan kasi ’pag magkasama kami, hindi naman kami nagpu-post na magkasama kami. Kumbaga, na-establish ’yung friendship namin na wala pang social media. So, hindi masyadong exposed,” rason ni Glaiza sa pocket presscon ng upcoming concert niyang Kun(g) di Man sa Music Museum sa October 27.
    
Ramdam daw ni Glai na merong bigat na nadarama ang kaibigan pero minabuti niyang huwag nang ungkatin ’yon dahil happy ang kaibigan ngayon, lalo na’t may kasamang ispiritwal ang naging naranasan nila sa nakaraang biyahe.
    
Wala ba namang tomboyan sa kanilang dalawa dahil kapwa sila walang boyfriend?
    
“Grabe! Hahaha! Diyos ko po! Naku po! Nakakatawa! Alam namin sa isa’t isa na amiga kami! Babae ako!” bulalas ni Glaiza.
    
Anyway, maririnig din sa concert ni Glaiza ang ilang kanta sa latest album niyang Magandang Simulain mula sa PolyEast Records gaya ng Sinta. Special guests naman niya sina Mike Hanopol at  Gloc 9.