6,099 guests

Marian tries to evade confrontation issue?

  • Written by Remy Umerez
  • Published in Showbiz
  • Read: 664

PILIT na pinagsasabong sina Marian Rivera at Andrea Torres ng mga nosey netizens. Good or bad, it is still publicity for the Kapuso stars na may bagong shows na pino-promote.We got an invite for a presscon tungkol sa bagong seryeng “Super Ma’am” na pinagbibidahan ni Marian at hindi para linawin ang sigalot between the two sexy stars.

“Super Ma’am” marks the grand TV comeback ni Marian who devoted her time sa pagiging ina more than being an actress for a while. In the new series, she plays an odd teacher named Minerva who loves her students sa kabila ng pagiging pasaway ng mga ito. Later on she discovers na may special power pala siya para labanan at puksain ang mga mythical creature na kung tawagin ay tamawo, mga nilalang na nakapagpapalit ng kaanyuan. Their target is to abduct the students. Minerva has become a tamawo slayer.

Super happy si Marian at sa kanya ibinigay ang naturang role. Maaksiyon at kapupulutan ng aral o moral values na nakakalimutan na ng marami lalo na ng kabataan. Sobrang nagpapasalamat ang aktres  sa GMA bosses.

The ageless Helen Gamboa breathes life sa karakter ni Lolita at lola ni Minerva na minsan nang naka-encounter ang mga tamawo. Dina Bonnevie appears as an archeologist at ina ni Minerva.Villainess ang roles nina Jackielou Blanco at Carmina Villarroel.

May brief appearance din si Ai-Ai delas Alas.
    
The young cast ay binubuo nina Kim Domingo, Isabelle de Leon, Matthias Rhodes. Kristoffer Martin, Kevin Santos, Ralph Noriega, Meg Imperial, Ashley Rivera at marami pang iba.
    
Incidentally, the Q & A portion has been deleted para mag-table hopping na lamang ang cast. After the picture taking, Marian stayed for a few minutes and then left followed by Helen Gamboa. We are sure may nag-attempt na hingin ang panig ni Marian sa diumano'y pag-confront niya kay Andrea T. dala ng selos?

HELEN'S VERSION ONE OF THE BEST

A LITTLE bit of a trivia on Helen Gamboa. Second time ito para sa veteran actress-singer na makalabas sa istoryang may evil creatures. Main villainess siya sa Darna and the Giants, playing an alien creature who was deglamorized in the end matapos mapatay ni Vilma Santos as Darna. Her succeeding movies ay puro drama. Her last movie appearance ay bilang one of the mistresses sa Etiquette for Mistresses where her rendition of the song You Don’t Own Me is one of the best we've heard.
 
AHWEL AND FAMILY'S ADVOCACY PROJECT A BIG SUCCESS

PARA sa ikalimang pagdaraos ng I Love My Family Medical Mission in partnership with Delos Santos Medical Center last Sunday ay pawang mga media men ang eklusibong inanyayahan ng Mismo (DzMM) host Ahwel Paz na ginanap sa ground floor ng Delos Santos Medical Center. Among the services offered ay medical laboratory and diagnostics, ENT, ECG, urinalysis at eye check up. All these were for free at on the same day ay malalaman mo ang results.
    
There are so many persons to thank for and among them are the following: Raul C. Pagdanganan, president and CEO; Dr. Nilo delos Santos,VP for medical affairs; Dr. Lysander Ragodon, VP for Business  Planning, and Development; Dr. Estrellita Ruiz, chief of clinics; Dra. Jessica Dee and Oasis Dental Care.
    
Also to Dra. Tina Viceral, ENT, who happens to be the sister of Vice Ganda.
    
And to Ahwel Paz, again, congrats for a job well done.