5,109 guests

Masaya at malungkot na mga balitang showbiz

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 455
Anne Curtis Anne Curtis

TULAD nung nakaraang November 4 (Sabado), magkahalong saya at lungkot ang balitang natanggap ng mga Pinoy nang magkaroon ng back-to-back win sina Winwyn Marquez at Karen Ibasco sa 2017 Reina HispanoAmericana at 2017 Miss Earth respectively.  Pero on the same night ay binawian naman ng buhay ang singer-actress-pilot at dating miyembro ng youth-oriented program na “That’s Entertainment” na si Isabel Granada sa  Hammad General Hospital sa Doha, Qatar kung saan siya isinugod matapos siyang mag-collapse nung October 25.

Nitong nakaraang Sabado, November 11, ganoon din ang nararamdaman ng mga tao sa masayang wedding nina Anne Curtis at Erwan Heussaff sa Queenstown, New Zealand na dinaluhan ng kanyang respective families at malalapit na kaibigan.  At habang nagkakasayahan ang lahat sa kasal nina Anne at Erwan ay isa namang malungkot na balita ang nakarating sa kanila, ang pagkalunod at pagkamatay ng isa sa mga miyembro ng All-male dance group na The Hashtags ng “It’s Showtime” na si Franco Hernandez na nangyari rin sa araw ng Sabado, November 11 sa karagatan ng Davao Occidental kung saan lulan si Franco ng isang motorized banca kasama ang kanyang kasintahan na si Janica Nam Floresca, isang kasamahan sa Hashtags na  Tom Doromal at  dalawa pang kaibigan nang sila’y hampasin ng malaking alon na siyang naging dahilan ng pagtilapon ng magkasintahang Franco at Janica.  Nakaligtas si Janica pero si Franco naman ay dead on arrival nang ito’y isugod sa isang pinakamalapit na clinic.

Habang ginaganap ang masayang kasalan nina Anne at Erwan sa New Zealand  maging ang huling burol kay Isabel Granada nung Sabado ay patuloy namang nagluluksa hindi lamang ang pamilya, mahal sa buhay, mga kaibigan at buong industriya dahil sa pagpanaw ng singer-actress, naging malungkot din ang araw na ito para sa pamilya, kasintahang si Janica, mga kasamahan sa Hashtags, sa “It’s Showtime” family  at mga tagahanga ang  maagang pagpanaw ni Franco who died at the age of 26.

NAKA-DISCOVER KAY ANNE, MAY TAMPO

LAST Sunday, November 12 ay nag-board kami ni Joseph Gonzales para sa aming “Inside Showbiz” program   sa  temporary studio ng DZRJ 810 AM Radio ng 8 Tri Media Broadcasting Network sa DZRJ main studio sa ikalawang palapag ng Ventures 1 Bldg. along Gen. Luna St. (almost corner Makati Avenue) in Makati City.  We had veteran actress Deborah Sun as our special in-studio guest at nakapanayam naman namin sa pamamagitan ng phone-patch interview ang discoverer-mentor ni Anne Curtis na si Annie Ayroso.

Ayon kay Annie, dose anyos pa lamang umano si Anne noon nang ito’y kanyang ma-discover sa isang fastfood chain along Boni Avenue in Mandaluyong kasama ang kanyang Filipina mom.  Nagbabakasyon lamang umano noon ang mag-ina sa Pilipinas.  At that time ay hindi pa raw marunong magsalita ng Tagalog si Anne.
    
Nagsimula niyang ‘ilako’ si Anne sa mga ad agency at sa GMA kung saan talaga nagsimula ang showbiz career ng misis nito.  May ilang taon din siyang naging bahagi ng “Anna Karenina,” “Ikaw na Sana,” “T.G.I.S. (Thank God It’s Saturday),” at iba pang serye ng Kapuso Network.
    
Ayon kay Annie, ipinagkatiwala umano sa kanya ng mommy ni Anne ang kanyang anak kaya pitong buwan itong tumira sa bahay niya (Annie) at itinuring na parang isa sa kanyang mga anak. Kaya binibilhan din umano niya si Anne ng mga damit pati underwear.
    
Ang problema, wala umano siyang kontrata kay Anne kaya after a couple of years ay nalaman na lamang niya na hindi na pala siya ang manager ni Anne kundi ang Viva na.
    
Hindi ikinakaila ni Annie na nasaktan umano siya sa nangyari pero nakapag-move on na siya at patuloy na tumutuklas at nagbi-build-up ng mga bagong talents.
    
Ang ikinalulungkot lamang ni Annie ay kahit kailan daw sa mga panayam kay Anne in the past ay never umanong nabanggit ang kanyang pangalan ng actress-TV host.  At lalong walang pabalat-bungang imbitasyon sa kanilang kasal ni Erwan na ginanap sa New Zealand over the week-end.
    
“Ayokong ma-brand na nagsa-sour graping ako,” ani Annie.
    
“Katunayan, matagal ko nang nakalimutan pero recently, may mga nagtanong sa akin kung imbitado raw ba ako sa kasal ni Anne kaya medyo nakaramdam na naman ako ng lungkot at doon nag-flashback 'yung panahon na ako ang kanyang naging tulay para mapasok niya ang showbiz kung saan siya nakilala at yumaman,” sabi ni Annie.