6,089 guests

Matthias, binash at tinawag na ‘feelingero’

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 587

Solenn, bridesmaid sa kasalang Erwan at Anne

Kawawa naman si Matthias Rhoads, na-bash ng ilang fans dahil sa post na nagpasalamat na siya ang napili ng GMA-7 na makapareha ni Marian Rivera sa Super Ma’am na magpa-pilot sa Monday, September 18, after 24 Oras.

“Sobrang saya at suwerte ko to be the leading man of this super sweet lady. Hindi lang super ganda, super talented actress pa siya at magaling na chef! Be wary of our powerful combination, we are both August 12 Leo signs!”
    
Wala kaming nakitang masama sa post ni Matthias at si Marian nga, nag-comment at pinuri ang galing mag-Tagalog ng leading man.
    
Pero may nag-comment na support lang siya ni Marian at hindi niya dapat pinu-promote na romantic love story ang Super Ma’am at rumespeto siya kay Dingdong Dantes.
    
Tinawag pa siyang feelingero at inilinya agad ang sarili kay Marian.
    
Inamin pala ni Matthias na hindi niya kilala si Marian noong una, intimidated siya at nang mag-Google, saka nalaman kung sino ang makakapareha niya.
    
May deal ang dalawa na ’pag sila ang magkausap, sa Tagalog sila mag-uusap.
    
Sa teaser ng Super Ma’am, napanood si Dina Bonnevie na may special participation sa teleserye as Marian’s mom.  
    
Ang isa pang sorpresa ng series ay ang assistant director ni Direk LA Madridejos na si Rechie del Carmen na galing sa kabilang network.

* * *

Dedicated ni Gabby Concepcion sa mga anak ang napanalunang Asian Star Prize Award sa 2017 Seoul International Drama Awards for his performance in the hit afternoon teleserye Ika-6 Na Utos.
    
Part ng acceptance speech ni Gabby: “Ika-6 Na Utos would not have been possible if not for the BRILLIANT minds of our SCRIPTWRITERS, ACTORS, DIRECTORS, staff and crew. I would like to dedicate this to my children.”
    
Sabi ni Gabby, may kabigatan ang trophy na kanyang natanggap sa sinabi niyang “first time for me to receive an award in this magnitude. This is something very special to me.”

* * *

Hindi namin naiparating kay Solenn Heussaff ang magandang sinabi ni Dingdong Dantes sa pagganap niya sa karakter ni Iris sa Alyas Robin Hood 2 dahil nauna namin siyang nakausap sa taping ng action series.
    
Ilang days pa lang nagti-taping si Solenn sa series, pero enjoy na siya.
    
“Love ko na ang role ko na rich, It Girl, Inglesera, pero ’di maarte. Wala nang parents si Iris and she inherited a big compound na gustong bilhin ni Emilio (Edu Manzano) but she will never sell it. I’m excited sa kick and punches na gagawin ko. Happy din ako sa positive feedback sa pagwu-work namin ni Dingdong,” sabi ni Solenn.
    
Isa sa mga nagustuhan ni Solenn sa role niya ay mas lamang ang English lines niya, hindi siya mahihirapang mag-memorize at hindi mabubulol.
    
Nakakapag-adlib pa siya na ipinagpapaalam kay Director Dominic Zapata.
    
Hectic ang schedule ni Solenn the whole week sa dami ng trabaho kasama ang taping ng All-Star Videoke at Taste Buddies.
    
Wala pa sa plano nila ng husband niyang si Nico Bolzico ang magka-baby.
    
“Bahay muna bago baby dahil sa apartment kami nag-i-stay ngayon. After ng bahay, need namin ng live-in house helper at dapat may aso kami. Saka na ang baby,” banggit ni Solenn.
    
Naitsika rin ni Solenn na bridesmaid siya sa wedding ng brother niyang si Erwan Heussaff kay Anne Curtis.
    
Hindi na namin siya tinanong kung kailan at saan ang kasal ng dalawa’t hindi rin naman niya sasabihin.         “I love Anne” at “They compliment each other” ang patungkol ni Solenn sa mga ikakasal.