5,045 guests

Mga aktor na walang trabaho, nabibigyan ni Coco

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 788
Coco Martin Coco Martin

MARAMING maituturing na inactive actors ang natutulungan ng long-running and top-rating TV series ni Coco Martin, ang “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Malaki ang papel ni Coco sa pagpasok sa kanyang  pinagbibidahang serye ng maraming actors na matagal-tagal ding walang trabaho.  Si Coco rin ang dahilan kung bakit nagka-career ang child stars na sina McNeal `Awra’ Briguela at si Simon `Onyok’ Pineda at iba pa.

Binigyan umano si Coco ng privilege na magbigay ng kanyang creative inputs bagay na nakatutulong talaga sa serye.

Dapat sana’y nagtapos na ang “FPJ’s Ang Probinsyano” pero dahil sa taas ng ratings ng serye ay na-extend pa ito na aabot pa hanggang Enero 2018.

Napaka-suwerte rin ng members ng cast na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatanggal sa programa dahil nangangahulugan ito ng regular income sa kanila.

Habang nagiging intense ang takbo ng kuwento ng “Ang Probinsyano,” padagdag naman nang padagdag ang mga character na pumapasok sa serye.
    
Tinapos lamang ng “Heneral Luna” star na si John Arcilla ang “Encantadia” sa GMA at pasok na siya sa 'Ang Probinsiyano' ganundin ang dating action star-turned politician na si Lito Lapid kasama sina Pokwang, Mitch Valdez, Sid Lucero, Angel Aquino, Ejay Falcon, Jhong Hilario at Long Mejia.  At sa pagtakbo ng istorya, tiyak na marami pang ibang characters ang lulutang.

GIL, 'DI DUMAAN SA HIRAP

NAPAKASUWERTE naman ng 21-year-old Filipino-Spanish model-turned actor na si Gil Cuerva dahil hindi siya dumaan sa support role sa GMA.
    
Si Gil ang pinakabagong leading man ng Kapuso princess na si Jennylyn Mercado sa local TV remake ng hit Koreanovela na “Love from the Star” na pinamamahalaan ni Joyce Bernal at nakatakdang matunghayan sa ere simula sa Mayo 29.  Ang nasabing serye ay tinatampukan din nina Gabby Eigenmann, Christian Bautista, Glydel Mercado, Jackie Rice, Renz Fernandez, Migo Adecer, Melissa Mendez, Spanky Manikan, Nar Cabico, Analyn Barro, Moi Marcampo, Pauline Mendoza at kung saan may special participation si Rhian Ramos.
    
Kahit baguhan sa showbiz at sa larangan ng pag-arte, hindi nahirapan si Gil na mag-adjust sa bagong mundo na kanyang pinasok dahil napaka-supportive ng lahat ng kanyang mga katrabaho.
    
“They’re all so nice, down-to-earth and very supportive sa isang baguhan tulad ko,” pahayag ng bagitong actor.

JENNYLYN, EXCITED SA MAS BATANG LEADING MAN

2015 pa ang pinaka-huling teleserye na ginawa ni Jennylyn Mercado, ang “My Faithful Husband” kung saan niya nakapareha ang kanyang nakabalikang boyfriend na si Dennis Trillo.
    
Sa pinakabagong serye ni Jennylyn sa GMA, ang local adaptation ng Koreanovela na “Love from the Star” ay kapareha niya ang baguhang actor na si Gil Cuerva, nine years her junior.
    
Kung tutuusin, napakalaking challenge kay Jennylyn ang kanyang bagong TV series dahil baguhan at wala pang pruweba ang kanyang bagong leading man.  Pero sa halip na kabahan ay lalo lamang siyang na-excite.

ELISSE AT MCCOY, SA SIMBAHAN NAGSUMPAAN?

MUKHANG espesyal ang petsang May 10 (my birthdate as well) sa rumored sweethearts na sina Elisse Joson at McCoy de Leon at marami ang naniniwala na ito ang petsa na naging official ang kanilang relasyon. Ganunman, wala pa ring tahasang pag-amin na nagmumula sa dalawa.
    
Sa panayam kina Elisse at McCoy, sa loob ng isang simbahan noong May 10 ay binigyan ni McCoy si Elisse ng bulaklak. Doon marahil lihim na nagsumpaan ang dalawa o di kaya nagtapat ng kanyang pag-ibig si McCoy kay Elisse.
    
Obvious na sila na dahil habang ini-interview sila ni Boy Abunda sa “Tonight with Boy Abunda” last Thursday evening ay madalas nakapatong ang kanang kamay ni McCoy sa lap ni Elisse.  Hindi ito gagawin ng Hashtag dancer-actor kung wala pa silang relasyon ng young actress.
    
Ang McLisse ay isa ngayon sa mga loveteam na tinututukan ng Kapamilya Network.

TWBA, NAKAKABITIN

WALA nang showbiz-oriented talk shows sa telebisyon except “Tonight with Boy Abunda” hosted by King of Talk Boy Abunda. Gayunman, nakabibitin ang 30 minutes lamang na airing time nito.
    
Dapat siguro pag-aralan ng management ng ABS-CBN na gawin nang isang oras ang TWBA dahil ito’y tinututukan ng mga manonood at wala itong kalaban sa ibang TV network.
    
Kayang-kaya rin ni Boy na i-host ang TWBA na mag-isa.  He’s even better off na solo  than with a co-host.

AI AI: I CANNOT ASK FOR MORE

EVERYTHING is coming up roses for Comedy Queen Ai Ai delas Alas dahil sa sunud-sunod na magagandang blessings na dumarating sa kanya at kasama na rito ang pagdating sa kanyang buhay ng kanyang fiancé (na ngayon) na si Gerald Sibayan sa kabila ng kanilang 30 taong agwat sa kanilang mga edad.
    
Bukod kay Gerald, sunud-sunod din ang dating sa kanya ng (international) acting awards, pelikula at meron siyang dalawang regular TV shows sa GMA, ang musical-comedy show na “Sunday PinaSaya” at weekly sitcom na “Hay, Bahay!” with Vic Sotto.
    
Big hit din ang "Our Mighty Yaya" kung saan siya ang bida. Kaya naman, nagkaroon ng thanksgiving party ang Regal Entertainment sa pangunguna ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde.

“I cannot ask for more,” ani Ai-Ai na malapit nang maging Mrs. Gerald Sibayan.