5,014 guests

Miguel, dinaga at kinilig kay Marian

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 883

Ni-like nina Dingdong Dantes at Bianca Umali ang pinost na picture ni Miguel Tanfelix sa Instagram (IG) kasama si Marian Rivera at may caption na “Tryna hide my kaba and kilig. Haha!” Hindi lang sina Dingdong at Bianca, ka-loveteam ni Miguel at future GF, ang nag-like sa picture dahil may 31,508 likes na ito.

Nagkita sina Marian at Miguel nang mag-guest sina Miguel at ibang cast ng Mulawin vs. Ravena sa Sunday Pinasaya at muling sinabi ng aktres na gwapo si Miguel. 

Una na niyang sinabing crush niya ang young actor kaya kilig-kiligan.
    
Ang wish ng fans ni Miguel, ipasok ito sa Super Ma’am ni Marian dahil magtatapos na naman ang Mulawin vs. Ravena bukas.

* * *

“Forever” ang sagot ni Mother Lily Monteverde nang tanungin kung hanggang kailan ang bagong kontratang pinirmahan ni Janella Salvador sa Regal Entertainment.         Hindi kasama sa new contract ng aktres ang My Fairy Tail Love Story dahil sa old contract niya ’yun.
    
Ang unang gagawin ni Janella sa new contract ay ang So Connected to be directed by Jason Paul Laxamana.
    
Kaya lang, hindi muna si Elmo Magalona ang makakapareha ni Janella, naghahanap ang Regal ng makakatambal ng aktres dahil ’yung unang napili, may gagawing movie sa Star Cinema.    
    
“Super duper” ang favorite word ni Janella sa contract signging niya na ilang beses binanggit.
    
Ganu’n ang description niya sa naramdaman sa renewal ng Regal contract, sa treatment sa kanya nina Mother Lily at Roselle Monteverde at pati sa My Fairy Tail Love Story.
    
Pati sina Directors Jun Lana at Perci Intalan, “super duper” din daw. In fairness, totoo dahil ang ganda ng teaser ng movie.
    
Hindi man kasama ang inang si Jenine Desiderio sa contract signing, natanong pa rin si Janella sa isyu sa kanilang mag-ina.
    
Curious ang fans ni Janella kung para saan at kanino ang post niya na “This. Has. To. Stop.”

* * *

Dalawang pelikula ang nakatakdang gawin ni Gabby Concepcion habang umeere pa ang Ika-6 Na Utos.  Ang isang pelikula, si Maryo J. delos Reyes ang director at ang isa ay si Laurice Guillen, director niya sa hit afternoon soap ng GMA-7.
    
May meeting din siya kay Mother Lily for a movie offer, so, magiging tatlo ang pelikulang naka-line-up na gawin ng aktor.
    
Sabi ni Gabby, may leading ladies na siya sa movie niya with Direk Laurice and Direk Maryo, pero hindi muna binanggit.
    
Dahil nabalitang si Robin Padilla ang makakasama ni Sharon sa Star Cinema movie at si Cathy Garcia-Molina ang director, malinaw na hindi si Sharon ang makakapareha ni Gabby sa dalawang pelikula.
    
Hindi pa naibababa ni Gabby ang Asian Star Prize trophy na napanalunan sa 2017 Seoul International Drama Awards, kaya nakita namin at nahawakan.   Mabigat nga ang trophy na sabi ni Gabby, iti-treasure niya dahil first international award niya.

* * *

Iniba ni Director Prime Cruz ang treatment niya ng horror movie sa The Debutantes ng Regal Films dahil sa halip na gawing dark ang ambience, ginawa niyang colourful.
    
Ito na yata ang pinaka-colorful na horror film sa history ng local movie industry at dito pa lang, gusto mong mapanood ang pelikula na showing simula sa October 4.
    
Nagustuhan na ng nakapanood ang trailer dahil marami agad ang views. Panakot ’yung parang clown  na kumakanta ng “Happy Birthday” at sa spoiler ni Direk Prime na isa-isang mamamatay ang cast.
    
Nasagot din kung bakit all-female ang bida sa pelikula at support lang nina Miles Ocampo, Chanel Morales, Jane de Leon, Sue Ramirez at Michelle Vito si Paolo Gumabao.