4,650 guests

Miles, ’di nagbago ang tingin kay John Lloyd

  • Written by VV
  • Published in Showbiz
  • Read: 480

Two years ago lang nang mag-debut si Miles Ocampo in real life kaya pasado pa rin siya sa role bilang debutante sa horror film na The Debutantes ng Regal Entertainment.

Sa Japan daw siya nag-celebrate ng 18th birthday. Tuwing magbi-birthday daw siya, sa halip na party, out of the country ang nire-request niyang regalo mula sa mga magulang.
    
Nu’ng nag-19 naman daw siya ay nagpunta siya sa Thailand. This year, sa kanyang ika-20 kaarawan ay nagpunta siya ng Australia kasama ang best friend na si Sharlene San Pedro na nag-debut naman.
    
Siya raw ang nag-convince kay Sharlene na huwag nang mag-party at mag-travel na lang.
    
Mayo ang birthday niya at si Sharlene naman ay April kaya pinag-isa na lang nila.
    
First time na gumawa ni Miles sa bakuran ng Regal Films at bida pa kaya sobrang happy and excited siya.         
    
Sana raw, marami pa siyang gawing pelikula sa Regal.
    
In the future, gusto raw niyang makatambal si John Lloyd Cruz, na isa sa showbiz crushes niya at kasama niya ngayon sa sitcom na Home Sweetie Home.
    
Asked kung ano ang masasabi niya sa controversial viral video ni JLC, no comment na lang si Miles.
    
“Wala po akong karapatan para magsalita sa issue na ’yan.”
    
Basta ang sigurado raw, hindi nagbago ang pagtingin niya kay Lloydie at gusto pa rin niya itong maging leading man at crush pa rin daw niya ang aktor.
    
Samantala, trailer pa lang ay nakakatakot na ang The Debutantes.
    
Kasama rin ni Miles bilang bida ang apat pang millennial actresses na sina Michelle Vito, Sue Ramirez, Jane de Leon at Chanel Morales.