6,126 guests

Myrtle, ipinagtanggol si Nadine

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 780

Kaibigan ni Myrtle Sarrosa si Nadine Lustre kaya aminado ang una na talagang nasasaktan siya sa mga nababasang negative comments tungkol sa huli.

“Sa totoo lang, ’pag nababasa ko ’yung mga negative tungkol kay Nadine, naha-hurt ako kasi minsan, ’yung mga ibang tao, parang they think na dahil artista, hindi na nakakaramdam ng sama ng loob ’pag na-bash, pero hindi, eh.
    
“Parang they don’t know her personally and I know her personally. I’ve known her since we were 14, so mag-i-eight years na, and she’s a very good person talaga,” pahayag ni Myrtle sa renewal of contract with Megasoft Hygienic Products and congratulatory luncheon for her na ginanap last Tuesday.
    
Sa puna na nagbago na si Nadine at hindi na conservative, umiinom at nag-i-endorse pa ngayon ng alak, ani Myrtle, wala siyang nakikitang masama in embracing one’s self.
    
“Well, si Nadine, I think, she’s just embracing ’yung self niya talaga. Saka, sa totoo naman, sexy naman si Nadine, kaya yata siya nanalo ng no. 1 sexiest.
    
“So, I don’t think there’s anything wrong with embracing ’yung confidence and ’yung sexiness niya,” sey ni Myrtle.
    
Asked to comment on Nadine’s views about living in na matatandaang naging kontrobersyal, ani Myrtle, hindi niya alam.
    
Nagtanong pa siya kung saang interview nagsalita ang kaibigan at kung ano ang sinabi.
    
Ikinuwento naman ito sa kanya ng ilang press at ang reaksyon niya, “Well, whatever, decision naman ’yung gawin ng isang tao sa kanilang buhay, I think, para sa atin, bigay na natin sa kanila ’yun.”
    
Dagdag pa ni Myrtle, irespeto na lang daw natin ang  desisyon ng bawat isa.
    
Samantala, kare-renew lang ni Myrtle bilang endorser ng Sisters Sanitary Napkin and Pantyliners at proud sa kanya ang may-ari ng produkto na si Aileen Go of Megasoft Hygienic Products sa pagiging role model at inspiration sa mga kabataan.
    
Myrtle graduated cum laude sa kursong Broadcasting Communication sa UP Diliman at masayang-masaya si Aileen sa na-achieve ng endorser sa kabila ng pagiging artista.
    
Sa ngayon, tuluy-tuloy pa rin ang “The School is Cool” campaign ng Megasoft with Myrtle kung saan bumibisita sila sa mga public school at nagbibigay ng recognition to outstanding students.               VV