7,442 guests

Na-exite!

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 499

John Lloyd at Sarah, balik-tambalan after 4 years!

Iya, nagpapadede kahit sa presscon

Malaking balita, lalo na sa fans nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo ang announcement ng Star Cinema na “Magbabalik na ang love team nina Sarah at John Lloyd after 4 years!” at “Confirmed! John Lloyd-Sarah movie coming this 2007.”

Lalo pang na-excite ang fans nina John Lloyd at Sarah sa nag-viral na picture ni Sarah sa loob ng ABS-CBN Studio katabi ng standee ni John Lloyd. Kahit sa socmed, ramdam na ang tuwa ng fans at sigawan at malalamang nagsigawan sila dahil sa post nilang all caps ang letters sa post nila.
   
Ang tagal hinintay ng fans ang balik-tambalan nina John Lloyd at Sarah, four years nga, kaya naman hindi pa nga sinisimulan ang shooting at hindi pa in-announce kung sino ang director, inaabangan na ang playdate ng pelikula.

* * *

Kasama nina Drew Arel-lano at Iya Villania-Arellano sa presscon ng comedy game show na People vs. The Stars ang baby boy nilang si Primo. Habang on going ang presscon, inaa-lagaan ng kanyang yaya si Primo na tahimik lang. Na-katulog ang bagets at ang biruan ng press people, na-bore si Primo sa press-con ng parents niya. Kaila-ngan siyang dalhin dahil pinadedede siya ni Iya.
   
Masaya, nakakatuwa at nakakatawa ang concept ng People vs. The Stars. tricky ang questions, lilituhin ang contestants kaya ang payo namin sa mga sasali, makinig at isiping mabuti bago sumagot para tama ang isasagot. Ang galing ng mga writer, simple, pero tricky, kaya mag-i-enjoy ang viewers at contestants.
   
“Actually, this is the first time I will be hosting this kind of show na makulit and entertaining. Natutuwa ako kasi I consider this my rest whenever I am not on my “mommy duties” kay Primo. It’s as if I don’t work. Plus kasama ko pa asawa ko, so, ‘yung fun, nandoon talaga,” sabi ni Iya.
   
Excited din si Drew dahil iba ang concept ng game show. “More enjoyable and light environment. Hindi siya ’yung acting like sa mga show namin 10 years ago. Dito mas makikita nila kung sino kami inside our house.”
   
Sa January 15, 5-6 p.m. ang pilot ng People vs. The Stars at sina Alden Richards, Kristoffeer Martin at Derrick Monasterio ang guests. Panoorin kung mananalo ang tatlo o bokya silang uuwi at ang viewers ang mananalo.

* * *

Napanood namin ang interview kay Sen. Tito Sotto ni Nelson Canlas na kung saan binanggit nitong less than P300M ang nakarating sa kanya na box office gross ng 2016 MMFF. Maliit daw ito kumpara sa box-office gross ng 2015 MMFF na P1.050B.
   
May nag-text naman sa amin na ang box office gross ng 2016 MMFF ay P400M more or less. Alin kaya ang totoo sa dalawang magkaibang result na lumabas.
   
Prero sabi ng MMFF Execom, “THESE NUMBERS ARE UNOFFICIAL AND ERRONEOUS.” Pero, kailan kaya sila magri-release ng official box office result para malaman nating lahat.

* * *

Imbitado sa special screening ng pilot at second night episodes ng Meant To Be  ang ilang solid fans ni Barbie Forteza at sa nakita, natuwa at nasiyahan sila sa kanilang napanood. Nakalimutan lang namin silang tanungin kung sino kina Ken Chan, Ivan Dorschner,  Addy Raj at Jak Roberto ang gusto nila kay Barbie.
   
Kabilang sa cast ng Meant To Be si Mika dela Cruz   na galing sa ABS-CBN gaya nina Ivan at Addy. First show niya sa GMA-7 ang rom-com series at happy siya to be working with the cast and the production staff dahi magaan at masayang katrabaho. Wala raw pressure, basta enjoy lang silang magtrabaho.
   
Pinansin namin na kaboses ni Mika si Gladys Reyes at kung totoo ito, honored siya dahil magaling na aktres si Gladys. Gagampanan niya ang role ni Mariko, anak ni Tina Paner at pinsan ni Billie (Barbie).
   
Sabi pala ni Direk LA Madridejos, launching pad ni Barbie ang Meant To Be at gusto niyang maging successful ito dahil deserving ang aktres ng successful show.

* * *

Tuesday sa Alyas Robin Hood, masusundan sina Pepe (Dingdong Dantes) ng tauhan ni Dean (Sid Lucero). Mamalasin pa si Pepe dahil nanakaw ang motor nito, kaya makiki-hitch na lang ng sasakyan sa tatlong trannys na kontesera.
   
Aayusin ni Pepe ang gulong ng saksakyan ng tatlo kapalit nang pagpayag na makisakay siya sa sasakyan at makapunta sa karinderya kung saan sila magkiktia ni Julian. Hindi alam ni Julian na nasundan siya at nakita ng mga tauhan ni Dean ang pagkikita nila ng amang si Romulo.