6,171 guests

Nadine, sa bundok nakuha ang dengue

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 561

Two weeks na palang may dengue si Nadine Lustre at mismong ang young actress ay hindi alam kung hindi pa
siya nagpa-check-up nitong nakaraang Sabado, Sept. 23.

Sa kanyang Instagram story, ikinuwento ni Nadine briefly ang buong pangyayari last Saturday.

“Just to give you a quick lowdown on what’s happening, I’ve been really sick since we got back
from the mountains.
    
“On and off fever, weakness, bruising, cold, thinking it was probably just off season for me.
Didn’t really think about it too much.
    
“Fast forward. Got a check up today. Doctor comes in and tells me it was dengue.
 
“DMN. I’m surprised I’m still alive after 2 weeks of ignoring it.
    
“Recovering now. Thanks everyone!” ang post ni Nadine.
    
Matatandaang two weeks ago nga nang nag-hiking si Nadine kasama ang boyfriend na si James Reid
and some friends sa Mt. Ulap sa Benguet province. At marahil nga, dito niya nakuha ang nasabing deadly
infection na galing sa kagat ng lamok.
    
Anyway, mabuti na lang at okay na siya at wala nang dapat ipag-alala ang kanyang mga fans.

* * *

Sayang at nakaalis na kami sa huling gabi ng burol ng ama ng kasamahang si Rommel Placente last Saturday
night sa St. Peter Memorial Chapel sa Kamuning at hindi namin nasaksihan ang pagbabati nina Ara Mina at
Aiko Melendez na matagal nang magkaaway.
    
We learned na after we left, maya-maya lang ay dumating ang dalawang aktres.  Kasama ni Aiko ang
manager niyang si Ogie Diaz na siyang nag-post sa kanyang Facebook page ng magandang balita.
    
“Past is past. The important is now. Nice to see them na tsikahan nang tsikahan. All is well
that ends well. #Nice.
    
“Sa burol pa talaga nangyari ha? Hehehe,” ang caption ni Ogie sa mga larawan nilang tatlo na all
smiles na magkakatabi.
    
Nalaman din naming matapos ang pagbabati ng dalawa ay walang patumanggang tsikahan na ang
kanilang ginawa sa burol.
    
Marahil nga ay panahon na para magkabati ang dalawa dahil bakit naman pinagtiyap pa ng
pagkakataon na nagkasabay silang dumating sa burol?
    
Matatandaang taon na rin ang binibilang ng pagiging magkaaway nina Aiko at Ara na nagsimula
dahil sa love triangle nila ni Jomari Yllana na pareho nilang exes.
    
Ex-husband ni Aiko at ex-bofriend naman ni Ara si Jomari. Matapos maghiwalay ang mag-asawa ay
nakarelasyon ni Jomari si Ara at doon nagsimula ang pag-aaway ng dalawang aktres.
    
Years later,  naulit ang pangyayari nang ma-involve naman sila pareho sa mayor ng Bulakan,
Bulacan na si Patrick Meneses. Unang naging BF ni Aiko ang politiko at nang mag-break sila ay naging
boyfriend naman ito ni Ara.