6,049 guests

Nag-sorry

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 576

John Lloyd, pinayuhang iwasan si Ellen

Marami na ang nakabasa sa pagsu-sorry ni John Lloyd Cruz sa mga nag-viral niyang pictures, video at IG stories sa bakasyon nila ni Ellen Adarna sa Cebu. Post ni John Lloyd sa socmed account na dahil konti pa lang ang followers, mukhang hindi pa alam ng marami.

“Diz iz mi learning very humbling but i do apologize to the little boys & girls. No regrets babies just life revealing its raw beauty.”
    
Matutuwa si John Lloyd sa comments dahil inintindi siya ng fans/followers niya. Mahal pa rin siya ng kanyang fans at pinayuhang be careful next time at piliin ang kakaibiganin.
    
Si Ellen ang hindi matutuwa sa suggestion ng ibang fans ni John Lloyd na layuan daw niya ang aktres.

* * *

Nagpagupit na si Derrick Monasterio. Tinapos lang nito ang taping ng Mulawin vs. Ravena at nagpagupit na. Paghahanda na rin siguro ang pagpapagupit sa gagawing pelikula na gagawin sa Regal habang wala pang next teleserye.
    
Bawal munang banggitin ang leading lady ni Derrick sa movie dahil nagbabago pa, pero ang tiyak, maba-bash siya pati at aakusahang nang-aagaw ng loveteam.  Magpu-focus muna siya sa singing career at wish nitong magka-album at concert.
    
Anyway, last Tuesday na ng Mulawin vs. Ravena at malalaking eksena pa ang mapapanood ng viewers hanggang sa pagtatapos ng fantaserye sa Friday. Hindi makakalimutan ni Derrick ang fantaserye dahil dalawa sila ni Dennis Trillo na bida nito at first time niyang gumanap na hari.   
    
Ayaw palang mag-comment ni Derrick sa tsikang paghihiwalayin muna ng GMA-7 ang loveteam nila ni Bea Binene. Ayaw din nitong kumpirmahin nag-look test na siya at mga napiling ipareha sa kanya.

* * *

Natutuwa ang viewers ng Impostora sa role at karakter ni Rita Daniela bilang si Maureen na best friend ni Rosette (Kris Bernal) dahil kahit maya-man at walang limit ang credit card, sunud-sunuran sa kaibigan.
    
Bingi rin si Maureen dahil ang pinabili sa kan-yang asido, acetone ang binili.
    
Kwento ni Rita, nang dumalaw siya sa puntod ng ama, kinantyawan siya ng mga tao sa sementeryo.
    
“Masaya lang dahil kahit saan ako magpunta kilala ako as Maureen at alam nila ang story ng Impostora. They are so into the show,” sabi ni Rita.
    
Samantala, mapapa-nood si Rita sa Maynila sa mga Kuko ng Liwanag, The Musical at alternate sila ni Aicelle Santos sa role ni Perla. Tsika nito, mahirap ang audition ng buong cast na sing and dance.
    
Sa September 30, 3 p.m., ang opening ng Maynila...The Musical at may 3 p.m. at 8 p.m. show. October 1, 3 p.m. at 8 p.m., Oct. 4 and Oct. 5, 8 p.m. at Oct. 6, 3 p.m. at 8 p. m. show.  Sa direction ito ni Joel Lamangan at sa KIA Theater (Cubao) ang venue.