4,970 guests

Naghirap!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 551
Kylie, Aljur  & Baby Alas Kylie, Aljur & Baby Alas

IBINAHAGI ni Kylie Padilla ang apat niyang paghihirap bago lumabas ang Baby Alas nila ni Aljur Abrenica. Natural birthing experience ang una niyang gusto, ang tinatawag na water birth.

Ayon sa video post ni Kylie, ilang buwan din ang preparasyong ginawa niya para maging maayos ang kanyang water birth. ’Yun nga lang, mabagal ang naging pagli-labor niya sa unang dalawang araw. Ayaw pang lumabas ng bata.

Nariyang akyat-baba siya sa hagdan para sumakto ang posisyon ng bata.

“But somehow, my body really was taking its time and baby’s head wouldn’t come down in my contractions,” bahagi ng caption ni Mother Kylie.

Eh dahil hirap na rin siya sa pagli-labor, nagdesisyon na siyang isantabi na ang natural water birth kaya pumayag na siya sa medicated vaginal birth.

“After everything, I’m still happy with my birthing story. My baby is healthy. Although it was a medicated birth, I’m thankful I still experienced all the natural hormones I did through those 4 transformative days. I learnt more about myself and still got to enjoy the moments in the tub with my Partner,” dagdag pa ni Kylie.
    
Kaya naman sina Kylie at Aljur, proud na proud sa pagdi-display ni Baby Alas sa social media. Ilan sa bumisita sa kanila ay sina Gabbi Garcia at Mikee Quintos.

Bayani, tinanggihan ang posisyon sa MTRCB

LOADED sa trabaho sa showbiz ang dahilan kung bakit tinanggihan ni Bayani Agbayani ang appointment niya bilang board member ng MTRCB. Ilang araw lang naman ang hinihingi sa kanya pero ayaw ng komedyante na magkaroon ng conflict once tinanggap niya ang posisyon.
       
“Mula sa tao ang makukuha kong suweldo sa posisyon ko. Paano kung hindi ko ’yon magampanan nang maayos eh ako pa ang lumabas na masama?” saad ni Bayani nang makausap ng press sa blogcon ng first movie niya sa Regal, ang Woke Up Like This.
       
May Philippine tour kasi si Bayani ng motorcycle na iniendorso niya, tapos, may sitcom pa siya.
 
“Trabaho lang talaga ang dahilan kaya umayaw ako. Walang halong pulitika ’yon,” rason pa ng komedyante.

* * *

SULIT ang ilang taong paghihintay ni Director Mico Michelena bago maipalabas ang una niyang movie na Triptiko. Taong 2014 nang una niyang ibinigay ang script sa lead actors na sina Albie Casiño, Joseph Marco at Kean Cipriano.
    
Pero taong 2015 nang magsimula silang mag-shooting dahil sa taong ’yon nakahanap siya ng tutulong sa funding ng movie. Isinali ito sa 2016 MMF pero hindi pinalad mapili.
    
Pinagbuti ni Direk Mico ang kabuuan ng pelikula at heto, ipalalabas na sa Pistang ng Pelikulang Piilpino ang Triptiko na binigyan pa ng Grade A ng Cinema Evaluation Board, huh!
    
“Everything fell in its proper place,” bulalas ng baguhang director.