5,232 guests

Nalukring!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 314

Kim, ka-level na ni Selena

NALUKRING na naman si Kim Chiu nang makatanggap siya ng notifications sa kanyang Instagram mula sa Instyle, kung saan na-feature siya dahil sa Canadian singer-composer na si Justin Bieber.

Ayon sa Google, ang Instyle ay leading site para sa celebrity style na may website na www.instyle.com.
    
May write-up tungkol sa kanya na ang title ay, “Who is Kim Chiu, the Actress Justin Bieber Will See  in the Philippines?”
    
Sa caption ni Kim, saad niya, “Saw this on my notifs. Ok I know this is too much #bieberfever but…O…. M….G…!!!!!! Just had to post this “OMG” moment number 2!!!! Minsan lang to kaya post ko na!!! Hihi hello @justinbieber! Happy weekend everyone!!!”
    
Nitong nakaraang araw, kumalat ang video ni Justin kung saan nagsabi siyang gusto niyang makita si Kim pagdating niya rito sa concert niya sa September 30 sa Philippine Arena.
    
Kinainggitan ng madla si Kim sa video greeting ni Bieber sa kanya, huh!
    
Hayun at maging international sites, curious malaman kung sino si Kim, huh!
    
Level na niya si Selena Gomez na ex-girlfriend ni Justin, huh!

* * *

PINASILIP ng aktor na si Roi Vinzon ang mansyon at malawak na lupa niya sa Pampanga kay Rhea Santos ng programang Tunay na Buhay.
    
Lingid sa kaalaman ng maraming sumubaybay sa career ni Roi bilang action star at kontrabida, lumaki siyang magsasaka.
    
Simpleng buhay lang ang gusto niya, malayo sa ilaw at ingay ng showbiz.
    
“Pagdating ko rito may peace of mind,” hayag ni Roi.

Ayon sa GMA News Twitter kung saan nandoon ang photos ng lupain ng isa sa cast ng Mulawin vs. Ravena, namana niya ang pagsasaka mula sa mga magulang at naranasan na niyang magtanim ng palay, tubo at mais.
    
Ang Kapuso Network ang muling nagbigay-sigla sa career ni Roi nang maging bahagi siya ng My Husband’s Lover.