6,877 guests

Pagku-quit ni Ara, naareglo?

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 465

Bashers ng Miss U, nakinig kay Pia

Balitang nagkausap na si Ara Mina at ang head ng production ng Afternoon Prime ng GMA-7 na Pinulot Ka Lang sa Lupa. 

’Yun ba ang rason kung bakit dinelete ng aktres ang post niya patungkol sa soap at ang desisyon niyang mag-quit dito?
   
Ang hindi malinaw ay kung sa pag-uusap ni Ara at ng production head ng soap ay hindi na siya aalis sa show, kung magri-resume siyang mag-taping at tatapusin kung hanggang saan ang role niya.
   
Ibig din bang sabihin nito ay pupunta si Ara sa presscon ng Pinulot Ka Lang sa Lupa na malapit na dahil this January na ang pilot airing ng show?
   
Ina ni LJ Reyes ang role ni Ara sa afternoon soap.

* * *

Nagdatingan na ang ibang finalists sa Miss Universe at mukhang nakinig kay reigning Miss Universe Pia Wurtzbach ang ibang Pinoy fans na mahilig mam-bash.        
   
Wala pa kaming nababasa sa socmed na bashing sa Miss U candidates.
   
“’Wag po sana tayong mambash ng mga candidate dahil magri-reflect po ’yan sa impression nila sa ’tin. Lahat po tayo, representative ng Pilipinas,” panawagan ni Pia in Filipino para hindi maintindihan ng candidates.
     
Samantala, handang-handa na si Miss Philippines Maxine Medina sa January 30.   Post niya sa Instagram (IG): “Yas! I’m getting ready for my big battle thank you.” at “People can say anything about you. They can call you names but the most important journey in life begins within you.
     
“Everything is worth it ever since I entered this world of pageantry. I learned how to love myself and how to appreciate my entirety. Yes, we are different by colors, sizes and shapes. We are extraordinary. We are flawed. We are unique. We are vulnerable. We are loved. And most of all, we can be the change that we want to be.”

* * *

Signature actors ni Director Joven Tan sina Rita Avila at Edgar Allan Guzman, kaya hindi nakakagulat kung kasama sila sa cast ng Regis Films and Entertainment movie na Tatlong Bibe.
   
Dahil din yata kay Direk Joven kaya pumayag si Edgar na maging tatay sa pelikula. First time yatang maging tatay sa pelikula ng aktor.
   
Si Rita naman ay pumayag gumanap na masungit na tita ni Marco Masa. Mga ganitong role ang hinahanap niya na bad siya at mataray at ’pag dumarating, hindi niya pinalalampas.
   
Kuwento pala ni Rita, magaling na kaeksena si Marco at nakasuporta sa kanya kahit hindi sila ang magkasama sa eksena. Magaling daw umarte ang child actor.
   
Showing sa March 1 ang Tatlong Bibe at sa February 13 ang premiere night sa Cinema 9 sa SM Megamall.
   
Drama ito, may mga hayop na kasama sa movie, pero tiniyak ni Direk Joven na walang sinaktan at walang namatay na bibe.
   
Saka, hindi papayag si Rita na may mamatay na bibe dahil animal lover siya at isa sa celebrities na nag-react sa pinatay na aso sa Oro.
   
May 13 dogs, seven cats, may turtle at fish silang alaga ni Direk Erik Reyes sa kanilang bahay at ayaw niyang makakitang may sinasaktan na hayop.