4,669 guests

Pasiklab!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 550

Marian sa ‘Darna’ ni Angel: Wala na sa akin ang bato

PINATAMAAN muli ni Angel Locsin ang mga taong naging dahilan kung bakit napilitan siyang magpaiksi ng buhok sa post niya sa kanyang Instagram account ng cover niya sa isang sosyal na magazine na may short hair.

“My first short hair cover. Ladies, I know we all love our gorgeous long hair. I miss mine. But sh_t happens and life goes on. And this is how you bounce back after a baaaaaaaad hair job. You do a cover and work on it, girl. Thanks to @celestetuviera for the boost of confidence to risk my new #pixiefierce hair #TougherThanYouThink,” bahagi ng caption ni Angel.
   
Sa cover ng nasabing magazine, sila ni Marian Rivera ang magkasama.
   
Achieve na achieve ng magazine ang bucket list nila nang mapagsama ang dalawa sa isang joint cover.        
   
Fierce rin ang pasiklaban nina Gel at Yan sa cover at ilang photo ops nila na inilabas naman ni Marian sa kanyang IG account.
   
Sa interview kay Marian sa Biofitea contract signing niya, biniro siya ng press na mag-Darna uli siya.
   
“Hayaan na natin kay Angel ang Darna. Wala na sa akin ang bato, hahaha!” rason ng GMA Primetime Queen.

* * *

UMAARIBA na ang fans ng millennial stars na sina Sofia Andres, Joseph Marco, Devon Seron, Albie Casiño at iba pang stars ng Regal horror movie na Pwera Usog.
   
Ang sisipag kasi nilang mag-like, view, retweet at share ng teaser ng pelikula kaya naman agad itong rumatsada ng mahigit 2M views sa loob lang ng dalawang oras, huh!
   
Pinoy na pinoy kasi ang bagong obra ng writer-director na si Jason Paul Laxamana tungkol sa pamahiin na usog.
   
Ito ang madalas na tugon kapag nababati ang isang tao. Basta nausog, ang madalas na pangontra ay pagpahid ng laway sa tiyan o ibang parte ng katawan ng taong nausog.
   
Bale biggest break din ito ni Sofia na nakilala bilang unang ka-loveteam ni Iñigo Pascual.
   
Ngayon nga ay bidang-bida na siya sa pelikulang mananakot sa kabataan ngayon.

* * *

KINILALA ang ilang Kapuso stars sa Ani ng Dangal 2017 bilang pagdiriwang sa National Arts Month na ibibigay na parangal ng National Commission for Culture and the Arts (NCAA) sa mga artista at malikhaing Pinoy na may naiambag na karangalan sa bansa.
   
Una na rito si Jaclyn Jose, na nag-uwi ng best actress award sa Cannes Film Festival last year.

Binigyang-pugay rin sina Barbie Forteza para sa pelikulang Laut at Therese Malvar sa movie na Hamog na nakakuha ng best actress award sa Moscow International Film Festival.