7,116 guests

Petisyon sa joint custody kay Ellie, tuloy!

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 407

Proud daddy si Jake Ejercito sa performance ng anak na si Ellie Eigenmann sa 80th birthday ng kanyang amang si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na ginanap last Wednesday, April 19, sa Manila Hotel.

Kumanta si Ellie kasama ang iba pang mga apo ni Erap at siyempre, very happy ang kanyang ama.

“First time kong naging stage dad,” natatawang sabi Jake nang matanong kung ano ang pakiramdam niya habang nagpe-perform ang anak.

“Kasi,” patuloy niya, “’di ba, I missed her graduation? So, I’m very proud na she was able to go upstage with her cousins, tapos most of them, ngayon niya lang nakilala. I just told her na to keep on smiling, and ‘don’t mind all these people and just look at your dad’ and that’s what she did.”

Siyempre, very thankful naman si Jake sa ina ng kanyang anak na si Andi Eigenmann na ipinahiram sa kanya si Ellie sa napaka-importanteng okasyon na ’yun.

“I’m very thankful na napahiram sa amin si Ellie for this very special occasion. Kasi, ’di ba, once in a lifetime lang naman na mag-e-80 ang daddylo (tawag kay Erap ng mga apo niya) niya, it’s a milestone, so, very thankful naman kami na kasama namin si Ellie,” he said.
   
Natanong din si Jake kung kumusta na ang inihain niyang petition for joint custody para sa anak at aniya ay ongoing ang case.
   
“I think, they (Andi’s camp) just sent their reply which I haven’t read yet. But yes, ongoing. I think it’s only right for, you know, a father to spend time with his daughter, ’di ba? We’re not asking for much.”
   
Oras lang naman daw ang hinihingi niya para makasama ang kanyang anak.
   
“That’s very important especially during a child’s formative years,” he said.
   
May sinabi si Andi in her past interview na wala namang problema sa kanya at pwede naman sana silang mag-usap ni Jake.
   
Open ba siya na makipag-usap?
   
“I’ll just say na hindi aabot sa ganito, na magpa-file kami ng case, kung nakakausap siya nang maayos. We tried going through a lot of people. A lot of people.
   
“Actually, we started preparing for the case last year pa, late last year. But hindi namin itinutuloy ’coz we’re hoping na mapag-usapan.
   
“So, it’s a bummer na pinapalabas nila na hindi kami marunong makipag-usap,” pahayag ni Jake.
   
Once or twice a month lang daw niya nakikita si Ellie kaya naman ’pag nakakasama raw niya ang anak, he just makes the most out of it.
   
Hanggang August na lang ang klase ni Jake at pagkatapos nito ay mananatili na siya sa bansa.
   
Siyempre, when the time comes, umaasa si Jake na mas makakasama niya nang madalas ang anak.
   
“You know kasi, that’s what’s really sad about it, eh. I already missed three years, the first three years of Ellie’s life. So, bakit pa nila ipapagkait? Ang dami ko nang na-miss, her first step, mga ganu’n. Ang sakit nu’n for a dad,” he said.