6,067 guests

Pinakakasuhan!

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 573

Nag-upload ng viral pics at videos ni Lloydie, walang kawala kay Pokwang

Ipinagtanggol ni Johnny Manahan, mas kilala sa tawag na Mr. M, ang kanyang anak-anakang si John Lloyd Cruz kaugnay ng kumalat na photos and videos ng aktor kasama si Ellen Adarna na talaga namang pinagpistahan ng netizens at binati-batikos.

Ayon sa statement ng Star Magic head na inilabas sa TV Patrol, nag-relax lang ang aktor who has been working so hard.
    
“John Lloyd Cruz works hard as an actor. 18-hour days at a stretch. He was just letting off some steam.         
    
“In this age of an all-pervasive social media, what is ok and innocent in private becomes worthlessly controversial in public.
    
“He will have learned his lesson and be more careful in the future,” ang statement ni Mr. M.
    
Samantala, nag-react din ang komedyanang si Pokwang sa kanyang IG tungkol sa isyu at inudyukan si Lloydie na idemanda o sampahan ng kaso ang tao o kaibigan ni Ellen na nag-upload ng pics at videos.
    
Ani Pokwang, “Kung ako si JLC, sampahan ko ng kaso ’yung nag-upload ng video niya nang walang pahintulot!”
    
Nauna rito, sa Instagram account niya ay naglabas na rin naman ng apology si Lloydie bagama’t hindi naman niya diniretso kung ano ang inihihingi niya ng paumanhin.
    
“Diz iz mi lerning. very humbling but i do apologize to the little boys & girls. no regrets babies just life revealing its raw beauty,” post ni Lloydie.
    
Umimik na rin si Ellen na nag-post naman sa kanyang IG na hindi umano yoga session ang pinuntahan nila.