5,092 guests

Piolo, anim na buwan hinanap ang sarili

  • Written by Peoples Tonight
  • Published in Showbiz
  • Read: 315

... aktor sa muling pagpirma sa Dos: Pinapipirma ka, ba’t ’di ka pipirma?

Aminado si Piolo Pascual na talaga namang may panahong naisip na niyang magretiro sa showbiz kaya nga
matagal daw siyang nagbakasyon at umalis ng bansa.

“I thought I was gonna retire last year. Sabi ko, magpu-forty ako, gusto kong mag-retire.
Hindi kasi, 20 years na akong nagtatrabaho. Parang gusto ko naman, magbigay ng oras for myself. You
know, I wanna give time para sa anak ko (Inigo),” sabi ni Papa P.
    
Pakiramdam din daw niya that time ay pare-pareho na lang ang ginagawa niya at wala nang bago.
    
“I had to go through that. I had to go through that six months of finding myself. I went out
for two months, nagbakasyon ako with my family,” he said.
    
“Doon talaga ako nag-contemplate kung ito ba ’yung para sa akin. Big deal that I’m
transitioning into another chapter of my life, another decade, pero kailangan kong malaman where I am,
’di ba?
    
“So, in-assess ko lahat ’yun at in-evaluate ko.”
    
Good thing, napag-isip-isip ni Papa P na show business pa rin ang kanyang buhay at ’yun na nga
’yung time na muli siyang pumirma sa ABS-CBN.
    
“Sabi ko, Lord, kung ito ’yung para sa akin, ang kapal naman ng mukha ko para tumanggi ako sa
blessing, ’di ba? Pinapipirma ka, ba’t ’di ka pipirma?
    
“So, sabi ko, na-realize ko nu’ng pumirma ako at sunud-sunod ang pasok ng endorsements ulit,
pati ’yung pagpu-produce, sabi ko, hindi ko siya pwedeng i-refuse, hindi ko pwedeng sabihin na... how
can I complain, why would I complain, ’di ba?” pahayag ng aktor.
    
At isa nga sa mga pumasok na malaking endorsement sa kanya this year ay ang Highlands Gold
Corned Beef with Angus Beef.
    
“I’m happy when I tasted it. It is so good! It is something familiar yet new,” pahayag ng
aktor tungkol sa bagong produktong iniendorso.
    
Dagdag niya, hindi raw siya tumatanggap ng endorsement kung hindi niya ito pinaniniwalaan.
    
Bukod sa Highlands Gold Corned Beef endorsement, excited din si Piolo sa kanyang bagong serye
sa ABS-CBN kasama sina Arci Muñoz, Empoy Marquez at Alessandra de Rossi.