8,539 guests

Proposal ni Elmo, tinanggap ni Janella

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 4063

Nu’ng kausap namin si Janella Salvador last Tuesday sa renewal ng kontrata niya sa Regal Films, hindi pa niya alam kung si Elmo Magalona ang makaka-date niya sa Star Magic Ball. Hindi pa naman daw nagsasabi sa kanya ang ka-loveteam.

Mas maganda raw siyempre kung tatanungin pa rin siya ni Elmo to be his date.
    
’Yun pala, may nakaplano nang surprise si Elmo kinabukasan, Wednesday, sa shooting ng kanilang pelikula na My Fairy Tail Love Story.
    
Ipinost ng Star Magic ang video kung saan ay makikitang kinakantahan ni Elmo si Janella ng The Way You Look Tonight.
    
May hawak siya na tila malaking card at may nakasulat na parang poem.
    
Reports say na si Elmo ang gumawa ng poem na ’yun na nagsasaad ng: “Roses are red, Hello Kitty! You brighten up my day like sunshine and cotton candy. To waste this opportunity would be a pity...Princess, will  you go to the ball with me?”
    
Kitang-kita sa video na sobrang touched ni Janella sa surprise ng ka-loveteam. After the song ay masaya silang nagyakapan.
    
Samantala, sa contract signing ni Janella sa Regal Films ay natanong siya kung ano ba talaga ang estado nila ni Elmo.
    
“Same pa rin, we’re still enjoying our relationship sa work and even off-cam. Super mas nagiging familiar kami sa isa’t isa every project and it’s a different experience talaga per project. Kasi nagtutulungan kami, we always make it a point na natutulungan namin ang isa’t isa pagdating sa work. Kailangan you’re good for each other, that’s why it’s a partnership,” pahayag ni Janella.
    
Kasalukuyang ginagawa nina Janella and Elmo ang My Fairy Tail Love Story under Regal Films na intended for the Metro Manila Film Festival 2017 this December.
    
Pagkatapos nito, may bagong pelikulang gagawin si Janella sa Regal, ang So Connected, na ididirehe ni Jason Paul Laxamana.
    
’Yun nga lang, hindi si Elmo ang ka-partner niya at ayon kay Roselle Monteverde, maghahanap pa sila ng ipa-partner sa young actress.
    
Actually, masuwerte si Janella dahil bukod sa Regal, may movie contract din siya sa Star Cinema.
    
Parehong non-exclusive ang mga kontrata kaya pwede siyang gumawa ng movie sa dalawang produksyon.