6,441 guests

Recovery stage

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 664

Pink balloons ni Kris, ’di galing kay Mayor Herbert

... pagkawala ni PNoy sa pwesto at pagkatsugi sa ABS-CBN, ininda ng TV host-actress

Itinanggi ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na sa kanya galing ’yung pink balloons na ipinost ni Kris Aquino sa Instagram. 

Sa caption kasi ng TV host-actress, bagama’t hindi niya inilagay kung sino ang nagbigay, it was quite clear na guy ang sender at tila bagong suitor.
   
Marami ang nag-speculate na baka si Mayor Bistek ito kaya nang makausap namin ang alkalde sa birthday treat niya sa entertainment press na may mga kaarawan ng January to March, diretsahan naming itinanong kung siya ba ang nagpadala ng pink balloons.
   
“Hindi, wala, hindi ko nga alam ’yan. Hindi ako,” he said.
   
Sabagay, sabi ni Kris, lechon ang ipinapadala niya, hindi balloons.
   
“Naman,” pag-agree ni Mayor.
   
Kung hindi sa kanya galing ang pink balloons, how does he feel na may iba nang suitor or bagong pag-ibig si Kris?
   
“Well, I’ll be happy for her. Ako okay ako ro’n. Kasi, du’n din siya kumukuha ng strength, du’n sa partner niya, kung sino ’yung partner niya, eh. Kasi she has so much inspiration from her children and her family. So, kung meron namang magpapataba at magpapasaya ng puso niya, di okay lang ’yun. Mas maganda nga ’yun, eh.
   
“So that makakuha siya ng... she’s trying to recover from after the elections, eh, ’di ba? Nagkasabay-sabay ’yan, nawala si Kuya (Noynoy) niya (sa posisyon), nawala ’yung contract niya (sa ABS-CBN), so, she’s trying to recover from that. And as a friend, you have to be supportive of her,” pahayag ni Mayor B.
   
Magkaibigan naman daw sila ni Kris at may communication pa rin sila. Kamakailan ay namataan sila sa Chili’s pero paglilinaw ni Mayor, ’yun ay dahil humingi lang ng tulong sa kanya ang TV host regarding business permit sa bagong kumpanya na itinatag.
   
Mas okay daw kasi talaga kapag nami-maintain ang friendship sa mga ex at ’yun din daw ang itinuturo niya kay Kris.
   
“That’s what I think I’m trying to train her. Na be friends with your exes, ’di ba? Kaya lang, sabi niya, ‘there are things that you cannot really bring back. Like nagkademandahan (sina Kris at ex-husband James Yap), ’di ba? So, how can you bring back the friendship.
   
“But it’s good kasi, I think, nu’ng Christmas yata, nagkita-kita sila, I mean, it’s good, ’di ba?”
   
May chance pa ba na ma-rekindle ang love between them?
   
“Well, nobody knows the future,” he said.
   
Basta say ni Mayor, as a friend, laging na kay Kris ang suporta niya.
   
Samantala, kasama rin ni Mayor sa event ang kanyang anak na si Harvey Bautista na unti-unti na ring gumagawa ng pangalan sa showbiz.
   
In fact, bida na ang bagets sa pelikulang Ilawod, first horror film ni Direk Dan Villegas at showing sa Jan. 18.
   
Dahil nga 13 years old na si Harvey, graduate na siya sa Goin’ Bulilit kung saan siya nagsimula.
   
Mukhang may maipagmamalaki rin ang bagets dahil at his young age, award winner na siya.
   
Siya ang nanalong best child performer for Wansapanataym sa Star Awards for TV 2015.

* * *

Pagkatapos ng holiday season, balik-taping na si Jennylyn Mercado para sa Pinoy version ng My Love from the Stars na pinagsasamahan nila ni Gil Cuerva.
   
Puspusan na ang pagte-taping nila dahil ang balita namin ay iere na ang serye sa March.
   
Positibo naman ang feedback na aming naririnig sa bagong tambalang Jen at Gil. Marami ang nagsasabing bagay sila at may chemistry.
   
This early ay marami na nga silang fans club.
   
Sa Sunday ay simula na officially ang promo ng serye dahil pupunta sina Jen at Gil sa Sinulog Festival sa Cebu.
   
Kaya sa mga Cebuano, abangan ang kauna-unahang float parade ng magka-loveteam.
   
Bukod sa taping ng MLFTS ay naghahanda rin si Jen sa kanyang concert sa US kasama ang kanyang rumored boyfriend na si Dennis Trillo, Alden Richards, Lovi Poe, Tom Rodriguez at Betong Sumaya.
   
Gaganapin ang concert sa Terrace Theater, Long Beach, California, sa Jan. 22.