6,037 guests

Richest

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 945

Maine, pangalawa lang kay Daniel?

AGAW-PANSIN ang post ng @aldub_maichard_update sa Instagram sa screen grab nitong number 2 si Maine Mendoza sa Top Richest Filipino Young Celebrities/Teen 2017 na nakalagay sa YouTube channel ng @interestcorner.

Hinanap namin sa YT ang channel na ’yon at may video nga sila ng Top 10 young celebrities na malaki ang kinita mula sa talent fee sa TV, movies, concerts, albums, magazine covers, endorsements at iba pa.
    
Sa huling bahagi ng video, base raw ’yon sa “People with Money (Asia and Philippines), EN.MediaMass.net at Wikipedia.
    
Narito ang listahan ng Top 10 Richest Filipino Young Celebrities pati na net worth nila base sa YT channel ng @interestcorner:
    
Number 10: Julia Barretto, P95M; Number 9: Liza Soberano, P120M; Number 8:  Nadine Lustre, P151M; Number 7: Julia Montes, P188M; Number 6: James Reid, P202M; Number 5: Enrique Gil, P280M; Number 4: Alden Richards, P346M; Number 3: Kathryn Bernardo, P507M; Number 2: Maine Mendoza, P580M; Number 1: Daniel Padilla, almost P1B.
    
Credible o hindi? Kayo na ang bahalang humusga!

* * *

MAGKASUNOD na in-appoint ni President Rody Duterte sina Rommel Montano, younger brother ni Cesar Montano, at former Manila Vice Mayor, Isko Moreno.
    
Isa sa bagong directors ng Optical Media Board si Rommel habang ang utol niyang si Cesar ay sa Tourism Promotions Board nagtatrabaho.
    
Tumakbo last 2016 election si Isko bilang senador pero hindi pinalad. Ngayong tapos na ang election ban sa mga tumakbo last year, bahagi na ang actor-politician bilang director ng North Luzon Railways Corporation (NLRC).
    
Dagdag sina Isko at Rommel sa showbiz personalities na unang itinalaga ni P-Digong na sina Liza Diño, Arnell Ignacio, RJ Jacinto, Aiza Seguerra, Kat de Castro at ang kontrobersyal na si Mocha Uson.

* * *

HINDI trying hard magpakilig, magpatawa at magpaiyak ang pelikulang Kita Kita na pinagbibidahan nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez.
    
Suwabeng-suwabe ang script at direksyon ni Sigrid Bernardo kaya naman bentang-benta ito sa mga nanood ng grand premiere last Tuesday sa Trinoma Cinema.
    
Refreshing ding tingnan ang dalawa. Nakasabay si Empoy sa galing sa pag-arte ni Alex at walang sapawan ang isa’t isa.
    
No wonder, graded A ng Cinema Evaluation ang Kita Kita. Magagaling na ang artista, magaling pa ang direksyon at hindi pangkaraniwan ang kuwento ng pag-ibig na masasaksihan.
    
Kaya naman ang stars na dumalo sa premiere, led by Vice Ganda, Angel Locsin at iba pa, may ngiti matapos manood ang pelikula.