4,526 guests

Robin Hood at Probinsyano, magtatapatan sa primetime

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 193
Dingdong Dantes Dingdong Dantes

Mas exciting ang magiging labanan sa telebabad bukas, August 14, dahil ang Alyas Robin Hood 2   na ang makakatapat ng Ang Probinsyano. Kaya sina Dingdong Dantes at  Coco Martin na ang paglalabanin ng fans at televiewers.

Ang Alyas Robin Hood 2  ni Dingdong ang ilalagay sa  first slot ng primetime shows ng GMA-7 pagkatapos ng 24 Oras. Susunod sa Alyas Robin Hood 2 ang Mulawin vs. Ravena at saka susunod ang I Heart Davao.

Ang mangyayari nito, police (Coco) at vigilante lawyer (Dingdong) ang pagpipilian ng televiewers. Sinisiguro ni Director Dominic Zapata na isang malaking pasabog ang pilot episode, pilot week at mga susunod na episode ng Alyas Robin Hood 2.

Nakuwento ni Rey Abellana ang dedication ni Dingdong sa Alyas Robin Hood 2, hindi na nito nasusunod ang cut-off mapaganda lang ang mga eksena at may isang taping day na more than 24 hours nag-taping si Dingdong.

Anyway, nakakatuwa ang ginawa ni Dingdong na unahing i-promote sa socmed account niya ang mga kasama sa action series kesa sa sarili niya. Pinost nito ang pictures ng mga kasama sa cast at role nila. Bukas na, ang pagbabalik ni Pepe!

Samantala, may mall show ang ilang cast ng Alyas Robin Hood 2, 4 p.m., this Sunday sa SM City San Jose Del Monte. Darating sina Andrea Torres, Ruru Madrid, Dave Bornea, Rob Moya, Lindsay de Vera at Solenn Heussaff.

* * *

Motorsiklo pa rin ang gamit at sasakay pa rin sa motorsiklo si Jay Taruc sa bago niyang show na Ride PH with Jay Taruc, kaya hindi siya mami-miss ng viewers na six years siyang sinubaybayan sa Motorcyle Diaries.
    
Magpa-pilot sa August 20, 10 p.m., sa GMA News TV ang bagong show ni Jay na all about motorcycles.
    
Ang dami palang motorcycle riders sa bansa at sila ang matutulungan sa bagong show dahil sa tips at advices na ibibigay ni Jay na hindi lang host sa Ride PH with Jay Taruc.
    
Siya rin ang producer at sa tulong ng sponsors sa pangunguna ng Dickies, BMW, Shell, Spyder, Uratex, PTT Oil, Big Bike, Ducati Group at iba pa, magiging hit ang nasabing show.
    
Dumating sa presscon ng Ride PH with Jay  sina Randy Santiago, Onemig Bondoc, Drew Arellano at bossing ng Dickies para suportahan si Jay. Nasa presscon din ang BMW motorcycle ni Jay na hindi sinabi kung magkano at tiyak na mahal.
    
Nabanggit ni Jay na ipi-feature sa isa sa episodes ng show ang Himalayan Adventure nina Ryan Agoncillo at  kasamang bikers na muntik palang ikamatay ng grupo.
    
Maggi-guest din daw si Jericho Rosales, payagan kaya siya ng ABS-CBN?

* * *    

Isa sa 12 finalists sa Pista ng Pelikulang Pilipino ang Star Na Si Van Damme Stallone  na tinatampukan nina Candy Pangilinan, Paolo Pingol, Ebong Joson, Jadford Dilaco at Sara Brakensiek. Tungkol ito sa single mom na si Nadia (Candy) na may anak na may Down Syndrome. Si Randolph Longias ang director ng pelikula.
    
First indie film ito ni Candy na nakumpara ang shooting sa mainstream movie. Wala raw silang tent, hindi kailangang i-memorize ang lines at lakad siya nang lakad. Pero nag-enjoy siya at gusto niya ang concept ng movie at naka-relate siya dahil may anak siyang may Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD).
    
Walang problema sa shooting, napagod lang si Candy dahil ang dalawang bata na gumaganap na kanyang anak na totoong may Down Syndrome, ’pag wala na ang attention nila sa shooting, kailangan nilang hintayin na bumalik ang focus.
    
Samantala, this Sunday, bilang pagbubukas sa Pista ng Pelikulan Pilipino ang Pista at the Park sa Rizal Park sa Manila. Whole day ang event na may fun, food, games at performances ng mga artista na kasali sa PPP.
    
Sa hapon, may motorcade ang mga artistang nasa cast ng 12 movies sa PPP na magsisimula sa Liwasang Bonifacio at magtatapos sa Burnham. Open ito sa lahat at isa sa projects ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

* * *

Nagpasalamat si Dionne Monsanto sa Regal Entertainment sa pagsama sa kanya sa Woke Up Like This pati na sa presscon ng pelikula na showing simula August 23.
    
First role raw niya sa movie na mabigat ang partisipasyon niya at isinama pa siya sa dalawang presscons. Sa print media at sa bloggers presscon.
    
Ramdam ng press ang tuwa ni Dionne sa sinabing “I’m so happy and proud. Ito ‘yung role na may weight na nagawa ko. Feeling ko artista na ako.”
    
Thankful din si Dionne sa magandang working relationship niya with the cast lalo na kay Lovi Poe at kay Director Joel Ferrer. Hindi raw umarteng big star si Lovi at mabilis silang nag-jel ng buong cast.