3,900 guests

Room spray ni Marian, ibinebenta ng P1,000

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 999

Hindi lang pala flowers ang available sa Flora Vida ni Marian Rivera dahil may Flora Vida by Marian Rose Scent Room Spray din. 

Sabi sa nabasa naming post: “For 1000, you can enjoy the smell of fresh roses all day long. I will be accepting orders, orders will be available for pick-up on April 29 in our Quezon City office.”

Nakakatuwa ang flowers from Flora Vida dahil may mga pangalan at may vase na, kaya hindi mahihirapan ang mag-o-order lalo’t via e-mail lang at makikita na lang ang in-order na flowers kung pipik-apin na.
   
Ang mga nabasa naming ipinangalan ni Marian sa roses ay Lanzarote (parang old pink), Xativa (black rose), Zaragoza (green rose), Madrid (parang fuschia), Rosa (pink), Violeta (violet), Cadiz (blue), Mailaga (orange), Azul (blue/white), Barcelona (red) at iba pang flowers at floral arrangements.
   
Samantala, si Marian ang guest sa pilot episode ng bagong fantasy show ng GMA-7 na Daig Kayo ng Lola Ko na airing sa April 30, Sunday.
   
Sa direction ni Rico Gutierrez, guest din si Ana Feleo at tampok si Gloria Romero.
   
Makakasama ng veteran actress sina Jillian Ward, David Remo at Chlaui Malayao.
   
Inihahanda na rin ang teleserye ni Marian na The Good Teacher sa direction ni La Madridejos.
   
Ang sabi, isang foreigner na nakapasa sa audition ang makakapareha ni Marian sa teleserye.

* * *

Napansin ng press people sa presscon ng Luck at First Sight na hindi mapakali si Neil Arce, isa sa mga producer ng movie via his N2 Productions.
   
Palakad-lakad ito at kung tumigil man, ilang sandali lang at lalakad na naman.
   
Umiwas kaya si Neil na matanong sa nag-viral na picture nila ni Angel Locsin na nakasama niya sa Hong Kong noong Holy Week with their friends?
   
Natanong din naman si Neil tungkol doon, nag-deny ng romantic involvement sa aktres, na hindi 100 percent pinaniwalaan ng press.
   
Ang paniwala ng mga reporter, lalabas din kung ano ang totoo.
   
In fairness, nagpaka-professional sina Neil at Bela Padilla kahit break na sila habang ginagawa ni Direk Dan Villegas ang Luck at First Sight na showing sa May 3.
   
Walang naramdamang hassle ang director sa ex-couple, focused sila sa trabaho dahil siguro sa nanatili silang magkaibigan.

* * *

Ang mag-asawang Noni Buencamino at Shamaine Buencamino ang napili ni Director Brillante Mendoza na gumanap na magulang sa Pagtatapos episode ng Brillante Mendoza Presents, ang monthly made for television movies na napapanood sa TV5.
   
Puwedeng tinanggihan ng mga Buencamino ang project dahil tungkol ito sa attempted suicide ng bidang karakter na si Shaira (Gabby Padilla).
   
Kung natatandaan ninyo, nag-suicide ang bunsong anak ng mag-asawa na si Julia Buencamino noong July 7, 2015.
   
Sabi ni Direk Brillante, nang mabasa ng mga Buencamino ang script, hindi siya exploitative at sa story, may suicidal tendencies si Shaira.
   
Ang paniwala rin ni Direk Brillante, kaya tinanggap ng mga Buencamino ang project ay para buksan ang isip ng mga pamilya sa ganitong medical problem.
   
Dapat pinag-uusapan at hindi ikinahihiya kapag may member ng pamilya na may suicidal tendencies.
   
Naniniwala rin ang director na isa sa mga rason kung bakit tinanggap ng mga Buencamino ang project dahil sa advocacy nila.
   
Ni-launch nila ang The Julia Buencamino Project na ang purpose ay to reach out to young people going through depression.
   
Part of the project ay ang paglalagay ng tinatawag na Julia’s Bench, named after their daughter Julia.
   
Mapapanood ang Pagtatapos sa Saturday, April 22, 9:30 p.m., sa TV5.
   
Kasama rin sa cast sina Racquel Villavicencio, Nonoy Froilan at Vim Nadera. Based sa true story ni Shaira Torres ng Philippine High School for the Arts-Makiling ang episode.