6,221 guests

Ryza, ’di na happy sa GMAC kaya nagpa-manage sa Viva!

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 464

Maayos ang pag-alis ni Ryza Cenon sa GMA Artist Center (GMAAC) na nag-manage sa career niya ng more than a decade. Pero ayon kay Ryza, kailangan niyang mag-grow as an actress kaya humanap siya ng ibang manager.

Ngayon ay nasa pa-ngangalaga na ng Viva Artists Agency (VAA) si Ryza. Pumirma siyang limang kontrata sa kompanya ni Boss Vic at Veronique del Rosario.
      
Makakagawa na ng ibang bagay si Ryza na dati ay sa teleserye lang nakapako. At least, she can do movies now na marami ang Viva. May chance din na makatrabaho niya ang ibang Viva artists and hopefully, makapag-guest siya sa ABS-CBN.
    
Nilinaw naman ni Ryza ang isyu na may kinalaman ang dyowa niyang si Cholo Barretto sa paglipat niya sa VAA. Si Cholo ay contract star din ng kompanya.
    
“Wala po. Wala siyang kinalaman sa paglipat ko. Sariling desisyon ko po ito,” paliwanag pa niya.
    
Bago si Ryza, matatandaan na last month ay pumirma rin ng 5-year contract ang dating Kapuso star na si Louise delos Reyes.
    
Meron pa kayang Kapuso star ang susunod na lilipat sa Viva? Abangan natin ’yan.

* * *

PUWERSAHANG pinasok ang bahay ni Baron Geisler sa Angeles,  Pampanga two weeks ago. Ayon sa aktor, gumamit ang mga magnanakaw ng kung anong bag ay para masira ang lock ng kanyang pinto.
      
“Yung mga ninakaw sa akin mga relos ko lang, anim o mahigit. Pero meron ding mga bagay na may sentimental value sa akin,” kuwent pa niya sa amin.
    
Patuloy niya, “Nakakatakot.  Medyo traumatic kasi. Buti na lang wala ako do’n nu’ng pinasok yung bahay. But still, God is good, Mama Leo.
    
“Ang gamit ay gamit lang, pero ang buhay ay buhay. Sa kung sinuman ang nanloob sa bahay ko, pinapatawad ko na kayo dahil mukang mas nangangailangan kayo.”