6,003 guests

Sarah, may kakaibang ‘magic’

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 680

Sa grand presscon ng Finally Found Someone ay inamin ni John Lloyd Cruz na may nararamdaman siya para sa leading lady na si Sarah Geronimo.

Pero hindi na ito umabot pa sa kung saan dahil lagi raw timing ang kalaban nila.

“Timing is not our friend, really. Eversince. Magmula sa A Very Special Love, tapos You Changed My Life, tapos ayun. Yeah, timing is an issue,” he said.

Pero hanggang ngayon ay nandu’n pa ang espesyal na pagtatangi niya para kay Sarah?

“I wonder kung mawawala ’yun,” sagot ng aktor.

Asked kung si Sarah ba ang kanyang TOTGA (the one that got away), aniya, “Hindi ako umabot du’n sa point na nasabi ko ’yun or siguro, ayokong sabihin. Hindi pa, hindi ko pa nasasabi, I mean.”
    
Pero ibang klaseng happiness daw ang naibibigay sa kanya ni Sarah.
    
“Ewan ko nga, eh. Meron siya kasing... hindi ko alam,” sabay-tanong kay Sarah, “Saan ka ba nabuo?”
    
Patuloy niya, “Hindi lang naman sa akin, maraming tao ang maga-agree sa akin na si Sarah has this I don’t know, magic, charm. Hindi ba? Hindi lang sa aming mga lalaki, pero Diyos ko, kahit sa mga tita ko, sa mommy ko, talagang she has that magic na hindi mo maipaliwanag na meron siyang nagagawa sa ‘yo na kaya niyang baguhin ang araw mo.”
    
Napa-wow si Sarah sa sinabi ni Lloydie sabay tanong ng “totoo ba ’yan?”
    
Sagot naman ni Lloydie, “Oo nga, sabi mo life is too short, ’di ba? Let’s not make it shorter.”
    
Natanong si Sarah kung ano naman ang nagagawa ni Lloydie sa kanya.
    
“Eversince, no, si Lloydie kasi, makita ko lang siya natutuwa na ako. Just observing him from afar and just by looking at him, natutuwa na lang ako. Ganu’n lang,” sey ni Sarah.
    
Singit naman ni Lloydie, “Pareho pala tayong ‘from afar,’ ha? Kasi hindi kami nagkakakitaan, eh.”
    
Dahil sa July 25 na ang kaarawan ni Sarah, natanong si Lloydie kung ano ang birthday wish niya sa leading lady.
    
“Ako, sana, ’yun lang, kung anuman ang nagpapaligaya sa ’yo, kung anuman ’yung nagbibigay ng ligaya sa ’yo, kung sinuman ’yun, kung tao man ’yun or bagay, sana laging nandu’n, lagi kang kayang... although minsan, feeling ko, masyado nang overrated ang happiness.
    
“Sana lang, gaya ng the one that made so much impact dito sa aming ginawang pelikula, sa akin, ’yun nga, ’yun bang masabi mo na... naku, nalilito ako, sorry.
    
“Gusto ko lang lagi, okay. In simple words, ’yun lang gusto ko, okay ka. Alam ko, hindi perfect ang buhay, hindi perfect ang kahit anong bagay. Basta sana, at the end of the day, okay ka. Malungkot ka man, may pagdaanan ka man, at the end of the day, sana, okay ka.”
    
Maya-maya ay dinugtong pa ni Lloydie na biglang naalala na gusto raw ni Sarah talaga na i-pursue ang singing.
    
“So, sana, talaga, ma-exercise mo ’yun and kung anuman ’yung mga gusto mong ma-achieve in terms of your music, sana maabot mo.
    
“Kasi, iba rin ’yung artistic growth, eh. Ang artistic growth actually lead your life and lead you to choices na talagang gugustuhin mo for the rest of your life,” sey ni Lloydie.
    
Para naman sa sarili niya, growth din ang birthday wish ni Sarah.
    
“Growth sa lahat ng aspeto ng pagkatao ko, lahat. At yeah, maturity and wisdom. Pinaka-importante, wisdom to make the right decisions in life at sa trabaho,” she said.
    
Samantala, ang Finally Found Someone ay showing na sa July 26 at ayon kay Sarah, ang pelikulang ito raw ang pinakamagandang regalo sa kaarawan niya.