6,190 guests

Sarah, tanggap na tanggap ng pamilya ni Matteo

  • Written by Chit Ramos
  • Published in Showbiz
  • Read: 463

ON July 25 ay ika-29th birthday ng Pop Princess na si Sarah Geronimo kaya malamang na bigyan na naman ito ng kanyang boyfriend (of more than three years) na si Matteo Guidicelli ng surprise birthday gift.

Smooth-sailing ang relasyon nina Sarah at Matteo kaya marami ang naniniwala na ang dalawa na ang magkakatuluyan.  Hindi na rin nakikialam sa relasyon ng dalawa ang parents ni Sarah na sina Mommy Divine at Daddy Delfin. Si Sarah na rin ang nagde-desisyon ngayon sa

kanyang sarili at sa kanyang career.
    
Welcome na welcome naman si Sarah sa pamilya ni Matteo.  Sina Sarah at Matteo ay magkasama sa recent birthday ng mommy ni Matteo na si Gng. Glenna Guidicelli.

PIP, MATATAG BILANG AKTOR AT BILANG ASAWA

WALA kaming masabi sa mister ni Lyn Cruz na si Tirso Cruz III dahil dala-dalawang serye ang kanyang pinagkakaabalahan ngayon sa bakuran ng Kapamilya Network na parehong nagri-rate, ang panghapong TV series na “Wildflower” at ang primetime TV series na “A Love to Last”.
    
Sa paglipas ng mga taon ay lalong naging mahusay si Pipo (Tirso) sa pagganap sa mga character roles tulad ng kanyang ginagampanan sa “Wildflower” na pinagbibidahan ni Maja Salvador.
    
Tiyak na kasusuklaman ang kanyang role bilang si Julio Ardiente, ang ruthless patriarch ng Ardiente clan pero doon talaga nasusukat kung gaano ka-effective ang isang aktor sa kanyang portrayal.
 
Samantala, ang pagsasama ng mag-asawang Pip (palayaw ni Tirso Cruz

III) at Lyn ay isa sa mga pinakamatatag sa showbiz now on their 36th year.   In April last year ay nag-renew ng wedding vows ang mag-asawa on their 35th wedding anniversary na ginanap sa Israel kasama ang kanilang tatlong anak na sina Bodie, TJ at Djanin.
   
Pip’s wife Lyn stands as his business manager and appointment secretary pero ang kanyang role bilang wife to her husband and mother to their three grown up children remain her top priority.