5,591 guests

Showbiz, nalungkot sa kaso ni Chard

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 655
Richard Gutierrez Richard Gutierrez

LAMAN ng balita sa radio kahapon ang tax evasion case na isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban kay Richard Gutierrez sa halagang mahigit sa P38M.

May kaugnayan ito sa kanyang tinayong korporasyon.

Ayon sa balita, nahalukay ng BIR ang underdeclaration ng kinita ng kumpanya ni Chard.

Siyempre, maraming taga-showbiz ang nalungkot dahil mahal ng media ang Gutierrez family.

As of this writing, walang post si Chard sa kanyang social media account or statement tungkol dito, pati ang ina niyang si Annabelle Rama.
   
Marami siyempre ang nagdarasal na sana ay malampasan ito ng aktor.

* * *

MABENTA pa rin si Tita Gloria Romero sa mga programa sa telebisyon sa edad niyang 83.
   
Aba, bukod sa GMA primetime series na Meant To Be, heto’t lalarga na naman ang movie queen sa Sunday magical show na Daig Kayo ng Lola Ko.
   
Mangiyak-ngiyak siya nang papurihan ni Mario Bautista, columnist ng People’s Journal, dahil sa professionalism, kabaitan at dedication sa trabaho mula noon hanggang ngayon.
   
“Nagpapasalamat ako dahil sa edad kong ito, nabigyan pa ako ng ganito show. Maraming salamat.
   
“Sa edad kong 83 years old, sa role na binigay sa akin, hindi ko na kailangan ng prosthetics kasi dami ko ng… hahaha! Tamang-tama sa lola na may guhit-guhit na.
   
“Pagpasok ko pa lang, masyado na akong overwhelmed. Look at our set, ibang-iba sa mga nagawa kong teleserye. Sa bawat binibigay sa aking teleserye, hindi nawawala ’yung passion ko talaga. Pati ako, nai-excite ’pag may something new.
   
“And this particular one, matagal kong hinintay ang role na ganito. Pambata talaga lalo’t mga bata ang kasama ko. Lalo na kay Direk (Rico Gutierrez), thank you so much!” pahayag ni Tita Gloria sa presscon ng programa.
   
Ipinagpapasalamat ni Tita Glo ang pag-intindi sa kanya ng director dahil meron siyang sakit na vertigo.
   
“Kabisado na ako ng director. ’Pag medyo sumasakit na ang ulo ko, sasabihin niya, ‘Tita Gloria, puwede ka nang umuwi.’ He’s so nice. Ang bait-bait nila,” rason ng movie queen.
   
Sa April 30 mapapanood ang Daig Kayo ng Lola Ko at kasama niya sa magical show sina Jillian Ward, David Remo, Chlaui Malayo at Julius Miguel.

* * * 

TRUE story muli ang tampok ngayong gabi sa Magpakailanman episode na Hanggang Sa Iyong Paggising, Daddy.
   
Kuwento ito ng batang si Duday na nag-viral ang video habang kinakausap ang amang comatose.
   
Dahil doon, maraming naantig sa kuwento niya at umagos ang suportang natanggap nila mula sa manonood.
   
Bida sa episode sina Rafael Rosell, Jackie Rice at Caprice Cayetano.