4,962 guests

Stag party

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 424
Erwan Heussaff & Anne Curtis Erwan Heussaff & Anne Curtis

Parang this year na nga ang wedding nina Erwan Heussaff at Anne Curtis dahil binigyan na ng stag party ng kanyang mga kaibigan ang would-be groom.

Naka-post sa Instagram (IG) ni Nico Bolzico, bayaw ni Erwan at asawa ni Solenn Heussaff, ang picture kuha sa stag party.

Dahil puro foreigners ang nasa picture, sina Erwan at Nico lang ang nakilala at ang boyfriend ni Lovi Poe na si Chris Johnson.

Siyempre, hindi sinagot ni Nico kung kailan ang Heussaff-Curtis Smith wedding.

Hintayin natin ang bachelorette party at bridal shower for Anne.

Hopefully, makukumpirma na sa December na ang kasal nina Erwan at Anne sa ibang bansa.

* * *

Maganda talaga ’pag ang director ang nakakausap dahil maraming details na naikukuwento.
    
Naikuwento ni Director Dominic Zapata ang husay sa motorsiklo ni Dingdong Dantes.
    
Makikita ito sa eksenang nakasakay sa motorsiklo si Dingdong, lumipad siya para maiwasang bumangga sa nakasalubong na trailer van.
    
Naikuwento rin ni Direk Dominic ang pasabog na eksena ni Andrea Torres na naka-parachute at pag-landing, sa pool, kaya basa.
    
Dito yata kuha ang picture ni Andrea na kahit one piece swimsuit lang ang suot, nagmumura ang kaseksihan.
    
Ipinagmamalaki rin ni Direk Dom ang fight scene na ang instructor ay si Ralp Roxas, na nag-training sa Hong Kong fight instructor na nasa likod ng magagandang Chinese action movies.
    
Pinaabangan din ni Direk Dom ang confrontation scene nina Andrea, as Venus, at Solenn, as Iris, paseksihan ito to the highest level.
    
Excited din sina Direk Dom at senior executive producer ng show na si Mona Mayuga dahil malaki ang posibilidad na matuloy ang shoot nila sa Morocco.
    
Nag-research na si Mona at nalamang ’di kailangan ng visa sa Morocco.
    
Sa presscon, hindi pa tapos ang pilot week, pero tiniyak ng direktor na tuloy ang pilot sa August 14.
    
Apat na araw nang kinukunan ang pilot week, hindi pa rin tapos dahil malaking eksena at maraming involved na tao.
    
Dagdag pa niya, babalik si Christopher de Leon at guest din ang anak nitong si Gab de Leon as the young Christopher.
    
May special participation din sina Empress Schuck, Hiro Peralta, Joshua Zamora at may five actors pang papasok.
    
No choice si Direk Dom kundi iwanan ang Mulawin vs. Ravena kay Don Michael Perez para mag-concentrate sa Alyas Robin Hood 2.

Sa 60 cinemas lang pala showing ang Birdshot, isa sa 12 finalists sa Pista ng Pelikulang Pilipino.
    
Unfair, pero bookers daw ang may desisyon nito. Ang isa nga raw entry, nine cinemas lang ang nakuha.
    
Hindi sinisisi ng TBA Studios, producer ng Birdshot,  si Film Development Council of the Philippines Chair Liza Diño sa number of theaters na ibinigay sa kanila, inisip daw siguro ng bookers na hindi panonoorin ang movie dahil walang big star sa cast.
    
Kaya nakiusap ang cast, sa pangunguna ni John Arcilla, Director Mikhail Red, executive producers Fernando Ortigas at E.A. Rocha, pati na mga taga-Globe Telecom na tulungan sila ng media na ibalita na maganda ang Birdshot.
    
Nanalo ito ng best picture sa 29th Tokyo International Film Festival at napupuri sa ibang bansa.
    
Huwag daw hayaan ng Pinoy moviegoers na hindi mapanood ang pelikula. Crucial daw ang first three days.         
    
Kapag hindi kumita ang Birdshot, either mabawasan ang theaters o kaya’y ma-pull out.

* * *

Ginawang makabuluhan ni Derrick Monasterio ang kanyang birthday noong August 1 nang magsagawa ng feeding program sa San Jose Del Monte Heights Elementary School.
    
Sa halip na party, mga bata ang kasama ng aktor.
    
Active sa charitable activities si Derrick at isa siya sa National Youth Commission’s ambassadors, kaya hindi na bago sa kanya ang tumulong.
    
Samantala, lilipad pa-Davao City today sina Derrick at Miguel Tanfelix para makisaya sa Kadayawan Festival.
    
Pasasayahin nina Almiro (Derrick) at Pagaspas (Miguel) ang mga taga-Davao na dadalo sa Kapuso Mall Show, 4 p.m., sa Gaisano Mall Toril, Davao City.