5,163 guests

Star Awards for TV, gabi ng saya at lungkot

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 384

Gabi ng saya at lungkot ang katatapos lamang na Gabi Ng Parangal ng PMPC (Philippine Movie Press Club)
31st Star Awards For Television na ginanap last Sunday, Nov. 12 sa Henry Lee Irwin Theater sa Ateneo
de Manila University. 

Lungkot dahil sariwa pa sa alaala ng marami sa mga artistang naroroon ang pagpanaw ng mga
kasa-  mahang sina Isabel Granada at Hashtag member Franco Hernandez.
    
In fact, dalawa sa tumanggap ng award ang inalay sa mga ito ang tropeo nila.
    
Si John Estrada na nanalong Best Single Performance by an Actor para sa pagganap niya sa
Mansanas at Juice episode ng Maalaala Mo Kaya (ka-tie si Alden Richards for Eat Bulaga Lenten Special
Kapatid episode), inalay niya kay Isabel ang kanyang award.
    
“I wanna dedicate this award most specially to Isabel Granada dahil po sa episode na ’to,
kapatid ko po si Isabel Granada dito. So, this is for you, Isabel. Rest in Peace. Sayang talaga dahil
napakagaling na artista and a beautiful human being,” parte ng acceptance speech ni John.
    
Si Vice Ganda naman ay inalay ang kanyang napalunang Best Male TV Host for It’s Showtime sa
kapapanaw lamang na Hashtags member  na si Franco Hernandez.
    
Dahil wala si Vice Ganda at nasa New Zealand, ang apat sa Hashtag members na sina Jimboy
Martin, Wilbert Ross, CK Kieron and Kid Yambao ang tumanggap ng award para sa comedian/TV host at
naging emosyonal ang mga ito habang inaalay ang tropeo sa kasamahang nasawi.

“We would like to accept this award on behalf of Vice Ganda and ito pong napakahalagang...”
ang sabi ni Hashtag CK na nagsimula nang mapaiyak, “ito pong trophy na ’to, gusto pang ialay ni Ate
Vice sa brother po namin na ka-Hashtag po namin na si Franco Hernandez. And Bro, we know na you are
watching over us and you will now be our angel. We love you, bro! Para sa ’yo ’to!”
    
Maliban sa mga moment na ito, naging masaya at maningning naman ang gabi sa pagdalo ng mga
naglalakihang artista para tanggapin ang kani-kanilang parangal.
    
Naaliw kami sa biro ni Vic Sotto na recipient ng Ading Fernando Lifetime Achievement Awards.
Bago niya tanggapin ang parangal ay binigyan muna kasi siya ng tribute via a production number kung
saan ay kinanta nina Vina Morales and The Company ang kanyang songs. Pati Eat Bulaga theme song ay
kinanta nila.
    
Biro ni Bossing, “Sa ABS-CBN ’to ipalalabas, ’di ba? Pa-Eat Bulaga-Eat Bulaga pa kayo.”
Tawanan.
    
Aliw din ang speech ni Aiko Melendez nang tanggapin niya ang kanyang Best Drama Supporting
Actress for Wildflower kung saan ay sinabi niyang girl crush niya si Marian Rivera na nakaupo sa
harapan kasama ang asawang si Dingdong Dantes.
    
“Ay Kuya John (Estrada), andiyan ka pala! Andito pa ’yung girl crush ko, si Marian. Oy, huwag
ka magselos, Dingdong, ha? Paghanga lang, hindi naman ako lesbian,” pahayag ni Aiko.
    
Sobrang nakakatuwa rin ’yung pangangantyaw ng audience sa ex-couple na sina Robi Domingo at
Gretchen Ho.
    
Si Robi ang isa sa hosts at si Gretchen naman, makailang beses umakyat para tanggapin ang
award ng Umagang Kay Ganda at ng iba pang Kapamilya co-winners.
    
Sa tuwing aakyat si Gretchen ay nasa stage rin of course si Robi, sa bandang gilid kaya aliw
na aliw ang audience na tingnan ang reaksyon ng dalawa habang nasa isang stage at ang lakas ng sigawan
nila.
    
Nang sabihin ni Gretchen na “hindi po biro ang gumising nang maaga, it’s a matter of
commitment,” lalong nagsigawan ang crowd because of the word “commitment.”
    
Ang cute naman ng reaksyon ni Robi habang sinasabi ’yun ng ex-GF. Kunwari ay busy siya sa
pagtingin ng mga index card. Hahaha!
    
Noteworthy rin ang pagsasama nina Dingdong at Richard Gutierrez sa stage nang pareho nilang
tanggapin ang Best Primetime Drama Series kung saan, tie ang La Luna Sangre at Alyas Robin Hood.
    
Matatandaang pareho silang Kapuso stars and arch-rival pa bilang Hari ng GMA Primetime. Medyo
nakakapanibago lang tingnan na ngayon ay tumatanggap sila ng award sa magkahiwalay na network. Sa
stage ay binati naman nila ang isa’t isa ng “congratulations”.

Gabi rin ng pag-aalay ng award that night. Bukod sa inalay nina Vice Ganda and John E. ang
kanilang tropeo sa namayapang kasamahan, Dingdong also dedicated his Best Drama Actor award for Alyas
Robin Hood sa kanyang unica hija na si Letizia or Zia.
    
Same with Bossing Vic na inalay ang kanyang Lifetime Achievement Award sa asawang si Pauleen
Luna, sa kanyang mga anak at apo most especially sa kanyang “bagong bunso” na si Talitha Maria na anak
nila ni Pauleen. Inalay din niya ang award sa kagrupong sina Joey de Leon at Tito Sotto of Tito, Vic &
Joey.
    
Ganundin si Sylvia Sanchez na inalay sa kanyang pamilya ang napanalunang Best Drama Actress
para sa The Greatest Love.
    
Aside from Robi, hosts din nang gabing iyon ang magkapatid na Ruffa at Richard Gutierrez
kasama si Jodi Sta. Maria.
    
Inawit nina Ronnie Liang, Jason Dy, Kris Lawrence, Radha at Jessa Zaragosa ang mga themesong
ng teleseryes; sing and dance naman sina Elmo Magalona at Janella Salvador kasama ang Boyband.Ph.
    
Ipinagkaloob ang Excellence In Broadcasting kay Martin Andanar; Longest Running Daytime Drama
Anthology ang Maynila at German Moreno Power Tandem ang dalawang sikat na loveteam na JoshLia (Joshua
Garcia & Julia Barretto) at Roc San (Rocco Nacino & Sanya Lopez).
    
Mula sa pamunuan ng pangulong Fernan de Guzman, mga opisyal at miyembro, ang 31st PMPC Star
Awards For Television ay handog ng Airtime Marketing Philippines, Inc. ni Ms. Tess Celestino at sa
direksyon ni Bert de Leon.
    
Mapapanood ang kabuuan ng show sa ABS-CBN’s Sunday’s Best, sa ika-19 ng Nobyembre, 2017.
    
Narito ang kumpletong listahan ng mga nanalo:
 
Best TV Station: ABS-CBN 2

Best Primetime Drama Sries:  (TIE) La Luna Sangre (ABS-CBN 2) and Alyas Robin Hood (GMA 7)
    
Best Daytime Drama Series:  The Greatest Love  (ABS-CBN 2)              
    
Best Drama Actress:  Sylvia Sanchez  (The Greatest Love/ABS-CBN 2)             
    
Best Drama Actor:  (TIE) Dingdong Dantes (Alyas Robin Hood/GMA 7) AND Ruru Madrid
(Encantadia/GMA 7)
    
Best Drama Supporting Actress:  Aiko Melendez  (Wildflower/ABS-CBN 2)
    
Best Drama Supporting Actor:  Daniel Fernando  (Ikaw Lang Ang Iibigin/ABS-CBN2)
    
Best Child Performer:  Nayomi “Heart” Ramos  (My Dear Heart/ABS-CBN 2)
    
Best New Male TV Personality:  Tony Labrusca  (La Luna Sangre/ABS-CBN 2)
    
Best New Female TV Personality:  Mikee Quintos  (Encantadia/GMA7)
    
Best Drama Anthology:  Ipaglaban Mo  (ABS-CBN 2)
    
Best Single Performance By An Actress:  Maricel Soriano  (MMK-Baso/ABS-CBN 2)       
    
Best Single Performance By An Actor:  (TIE)  John Estrada (MMK-Mansanas at Juice/ABS-CBN 2)
AND Alden Richards  (Eat Bulaga Lenten Special/Kapatid/GMA 7)
    
Best Public Service Program:  Wish Ko Lang (GMA 7)
    
Best Public Program Host:  Vicky Morales  (Wish Ko Lang/GMA 7)
    
Best Gag Show:  Goin’ Bulilit  (ABS-CBN 2)
    
Best Comedy Show:  Pepito Manaloto  (ABS-CBN 2)
    
Best Comedy Actor:  Jobert Austria  (Banana Sundae/ABS-CBN 2)
    
Best Comedy Actress:  Ai Ai delas Alas  (Hay! Bahay!/GMA 7)
    
Best Musical Variety Show:  ASAP  (ABS-CBN 2)
    
Best Variety Show:  Sunday Pinasaya  (GMA 7)
    
Best Female TV Host:  Marian Rivera  (Sunday Pinasaya/GMA7)    
    
Best Male TV Host:  Vice Ganda  (It’s Showtime/ABS-CBN 2)
    
Best Game Show:  Wowowin  (GMA 7)
    
Best Game Show Host:  Luis Manzano  (Minute To Win It/ABS-CBN 2)
    
Best Educational Program:  Matanglawin  (ABS-CBN 2)
    
Best Educational Progam Host:  Kim Atienza  (Matanglawin/ABS-CBN 2)
    
Best Celebrity Talk Show:  Gandang Gabi Vice  (ABS-CBN 2)
    
Best Celebrity Talk Show Host:  Boy Abunda  (Tonight With Boy Abunda/ABS-CBN 2)
    
Best Documentary Program:  I Witness  (GMA 7)
    
Best Documentary Program Host:  Sandra Aguinaldo, Kara David  (I Witness/GMA 7)
    
Best Documentary Special:  Di Ka Pasisiil  (ABS-CBN 2)
    
Best Horror/Fantasy Program:  Wansapanataym  (ABS-CBN 2)                                                   
Best Magazine Show:  Kapuso Mo Jessica Soho  (ABS-CBN 2)
    
Best Magazine Show Host:  Korina Sanchez  (Rated K/ABS-CBN 2)
    
Best News Program:  TV Patrol  (ABS-CBN 2)

Best Male Newscaster:  Arnold Clavio  (Saksi/GMA 7)
    
Best Female Newscaster:  Bernadette Sembrano  (TV Patrol/ABS-CBN 2)
    
Best Morning Show:  Unang Hirit  (GMA 7)
    
Best Morning Show Host:  Anthony Taberna, Jorge Carino, Atom Araullo, Amy Perez, Winnie
Cordero, Ariel Ureta  (Umagang Kay Ganda/ABS-CBN 2)
    
Best Public Affairs Program:  (TIE)  The Bottomline With Boy Abunda  (ABS-CBN 2)  AND  Sa
Ganang Mamamayan (NET 25)
    
Best Public Affairs Program Host:  Boy Abunda  (ABS-CBN 2)
    
Best Travel Show:  Landmarks  (NET 25)
    
Best Travel Show Host:  Drew Arellano  (Byahe Ni Drew/GMA News TV)
    
Best Lifestyle Show:  The World Of Gandang Ricky Reyes  (GMA News TV)
    
Best Lifestyle Show Host:  Solenn Heusaff & Rhian Ramos  (Taste Buddies/GMA News TV)
    
Best Talent Search Program:  ASOP  (UNTV 37)
    
Best Talent Search Program Host:  Luis Manzano & Toni Gonzaga  (The Voice Teens/ABS-CBN 2)
    
SPECIAL AWARDS:
    
Ading Fernando Lifetime Ahievement Award:  Vic Sotto
    
Excellence In Broadcasting:  Martin Andanar
    
Longest Running Daytime Drama Anthology:  Maynila
    
German Moreno Power Tandem:  JoshLia (Joshua Garcia & Julia Barretto) and RocSan (Rocco Nacino
& Sanya Lopez)