8,181 guests

Sunshine, ’di pa kayang patawarin asawa kahit inurong na ang demanda

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 406

It’s unfortunate that I’m not that type of person.

Hindi pa masabi ni Sunshine Dizon kung kailan niya maibibigay ang kanyang kapatawaran sa estranged husband na si Timothy Tan kahit pa nga sabihing inurong na niya ang mga kasong concubinage at Anti-Violence Against Women and their Children (VAWC).

“To be honest, tao lang po ako. Hindi ko alam. Hindi. Kasi, hindi ko alam kung ano ang magiging epekto nito sa mga anak ko. Napakaliit pa ng anak ko, na-experience nilang lahat ito dahil lang sa isang babae. ’Di ba? So I don’t know, I really don’t know.
   
“But for sure, I will never forget, I will never forget.”
   
Pero very civil naman daw sila sa isa’t isa kapag nagkikita at ito ay dahil sa kanilang dalawang anak.
   
“We’re very civil. Baka magulat nga ang mga tao, nakikita nila kami magkasama, that’s all for the children. Naghahatid-sundo siya ng mga anak niya sa school, tinutulungan niya kami sa kung ano pa ang dapat gawin sa anak niya, ’yung ganu’n. Nag-uusap kami, parang tao, parang wala naman, ganu’n. We try our best, you know.
   
“Saka ako rin naman, I don’t want my children to get affected. Na at least magkaroon man sila ng kahit konting normal scene na ’pag nakikita kaming magkasama, eh, at least, maayos naman kaming tao,” she said.
   
Kung sa effort daw para sa mga bata ay nakikita raw niya ang mga effort ni Tim at kahit ano pang sabihin, still, good father pa rin naman daw ito sa kanilang mga anak.
   
“So, ibigay na natin sa kanya ’yun.”

Sa lahat ng ito, ano ang natutunan niya at ano ang gusto niyang i-share sa lahat ng mga sumusubaybay sa kanya especially sa kanyang pinagdaanan?
   
“Actually, honestly, there are a lot of things that I could have done to prevent this, pero wala, eh, nasa tao ’yan. Nasa sa inyo rin ho ’yan. I’m just not the type of person na magtitiis, na alam mong niloko ka, tinarantado ka, and you’ll just give in and say, ‘okay, they will probably change.’ It’s unfortunate that I’m not that type of person.
   
“Ang mali sa akin ay mali. Siguro, sa mga tao diyan, sa mga babae, please be contented. Kung kasal na kayo, may anak kayo, be content. Hindi excuse ‘yun na may pinagdadaanan kayo to ruin someone else’s family.
   
“Ultimately, there are children who get affected by this. ’Yun ang pinakamasakit  sa akin, eh. My children are broken, my children has been tarnished by this just because one girl out there thinks that she is privileged enough to get whoever she wants even though she is married and my husband is also married.
   
“Sana, ma-realize n’yo ’yan na maraming pamilyang nasisira, maraming bata... Diyos na ang bahala sa kanila. Sana ma-realize n’yo ’yan,” pahayag ni Shine.

* * *

Para kay Direk Dan Villegas, okay lang na wala siyang Metro Manila Film Festival entry last December 2016 dahil kahit paano raw ay nakapagpahinga siya. For the past two years nga naman kasi ay laging may MMFF movie ang box office director -- English Only Please in 2014 at Walang Forever in 2015.
   
Napaka-stressful daw kasi kapag may MMFF entry ka dahil parati kang kakaba-kaba kung ano na ang standing ng movie nila sa box office.
   
“Hindi kasi, ’di ba, Paskong-Pasko, naghihintay ka ng ano (update), kung magkano na ba ang kinita ng pelikula namin, Diyos ko!
   
“Eh nitong ano (last Christmas), ‘ay bahala kayong lahat, basta ako, matutulog ako,’” pahayag ni Direk Dan nang makausap namin sa kanyang pocket presscon for his latest film na Ilawod.
   
Pero work pa rin daw siya last Christmas dahil nag-edit siya at naghanda para sa seryeng Ikaw Lang ang Iiibigin nina Kim Chiu at Gerald Anderson.
   
At least ay hindi raw siya stressed dahil ibang-iba raw talaga ang pressure ng naghihintay ka ng text ng madaling araw kung magkano na ang kinita ng pelikula.
     
First horror film ni Direk Dan ang Ilawod and being a rom-com director, aminado siyang nanibago siya nang bonggang-bong-ga.
     
“Hindi po ako sanay, eh. Siyempre po, mahirap din naman ’yung paulit-ulit ang ginagawa mong genre. Siyempre, masarap din naman na makagawa ng bago, i-experiment, you get to do new things.
  
“So, mahirap po. Kasi ibang-iba siya,” sey ng box office director.
     
But at the same time, aniya ay exciting and challenging for him dahil nga iba naman ito.
   
Bida ng Ilawod sina Ian Veneracion, Iza Calzado, Epi Quizon, Therese Mal-var, Xyriel Manabat at Harvey Bautista mula sa panulat ni Yvette Tan.
   
Hatid ng Quantum Films, MJM Productions, Tuko Films and Butchi Boy Productions, showing na sa Jan. 18 ang Ilawod na ang ibig sabihin ay downstream or sa ibaba ng agos.