6,110 guests

Titulong ‘Horror Queen’ ni Kris, naagaw na ni Iza

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 394

CLUELESS din si Iza Calzado kung bakit lagi siyang kina-cast bilang lead star ng horror films. Nagmarka siya sa pelikulang Sigaw at last 2015, pumatok siya bilang impakta sa Regal festival movie na Haunted Mansion.

Ngayong January 18, mananakot muli si Iza sa horror film na Ilawod, unang subok sa nasabing genre ng rom-com box-office director na si Dan Villegas.
   
Feeling tuloy ni Iza, siya na ngayon ang bagong Horror Queen, huh!
   
“Ewan ko kung bakit. Siguro may something mysterious sa akin physically kapag ’yung mata ko, sabi nga ni Dan, baka pasok lang siya sa horror. Kaya nga siguro nakakatakot akong tingnan. Hindi ko ma-explain.
   
“Pero kung anuman ’yon, ako ay nagpapasalamat sa Diyos at nabiyayaan niya ako ng isang nakakatakot na mukha! Hindi. Joke lang, hahaha! Horrifying presence, hahaha!
   
“Hindi nga. Nalinya talaga ako sa mga horror. Sinuwerte at sana magtuluy-tuloy na. Claim ko na ’yon! Puwede nang maging Horror Queen!” pahayag ni Iza sa grand presscon ng movie.
   
So, puwede na niyang palitan si Kris Aquino na binansagang “Horror Queen” lalo na’t inactive siya ngayon sa paggawa ng pelikula, huh!
   
“Ay, paalam muna ako kay Ate Kris, hahaha! Sige, gumawa na lang tayo ng ibang tawag sa akin,” biro ng magaling na aktres.
   
Suggestions nga ng press, puwede siyang maging “Horror Goddess,” “Horror Empress,” “Horror Nymphet,” “Horror Siren,” lalo na’t may eksena sila ni Ian (Veneracion) sa Ilawod, kung saan ginapang niya ito sa kama habang natutulog, huh!
   
“Mas malala pa ’yon sa isang ginawa namin ni Ian, pero  ibang presscon na ’yon,” bulalas ni Iza.
   
Ginapang daw niya si Ian sa eksenang ’yon. “Kagapang-gapang naman siya, hahaha!” sambit ni Iza.
   
“Meron naman akong damit. Less clothes lang,” rason ng aktres.
   
Hindi naman siya nagpapilit?
   
“Diyos ko, hindi na ako 20 years old! Since I was comfortable having less clothing in front of Ian, and because Ian is a good friend, wala. Honestly, naka-body suit lang ako. Walang naging problema.
   
“Mas palaban ako sa kanya,” deklara ni Iza.
   
Anyway, lumabas namang anak nina Ian at Iza sina Xyriel Manabat at Harvey Bautista habang si Therese Malvar ang pumapel bilang Isla/Ilawod.