5,607 guests

Umalma!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 284
Nadine Lustre Nadine Lustre

INALMAHAN ni Nadine Lustre ang mga netizen na patuloy na bumabanat sa kanya kaugnay ng pananahimik sa pagpapakamatay umano ng kanyang nakababatang kapatid.

Sa magkakasunod na Instagram stories kahapon, naglabas ng sama ng loob ang young actress at statement patungkol sa mga bumabatikos sa kanya.

Aniya, “Magkkuwento na lang MALI PA.”

Sinundan ito ng isang pakiusap: “Hi. May I request to please refrain from posting/reposting photos and videos of me from the funeral... Let’s give respect. This is for EVERYONE. Thank you.”

Ang ikatlo at huling post ni Nads ay: “To everyone judging me for the past few days, remember this... You will always see me UP but never DOWN. So ’wag n’yong hanapin. Get lost please.

“And to everyone who’s been sharing me stories of weakness... Im reading. Wait for me... I GOT U.” Samantala, sa IG post naman ni Father Joey Faller na may user name na @jfaller619, may picture siyang kasama sina Nadine at James Reid na ang background ay bulaklak ng patay.

Apparently, nasa lamay sila ng kapatid ni Nads at sabay-sabay silang naka-thumbs up.
    
“Keep going!” ang tanging caption ni Fr. Joey.

* * *

“TV5 is not dead,” deklara ni Vincent “Chot” Reyes, presidente ng TV5, sa launching ng collaboration ng TV5 at ESPN kahapon sa Sports Bar ng Sofitel Hotel.         
    
Dahil sa pagsasanib-puwersa ng dalawa, ang dating Sports 5 ng TV5 ay makikilala na sa bagong brand na ESPN 5.
    
“It’s really a timing issue. I think we have the opportunity to get there as well. The two networks have more than a headstart of us for 15 years. So, we don’t have the time and resources. So, we wanted to find a niche where we can compete and chance to be number one.
    
“My learning is being the number three network is not profitable. Being the number three network does not make business sense,” rason ni Coach Chot.
    
Ano na ang mangyayari sa contract stars nila gaya nina Jasmine Curtis-Smith, Derek Ramsay pati ang series ni Direk Brilliante Mendoza?
    
“Unfortunately, we are all winding up their contracts already. Si Jasmine, in fact, she’s no longer with us on TV. She’s still with us on digital and I think the only remaining star with us is Derek. Derek is there. He is reflective of ESPN and also sports. I’m not just sure hanggang kelan ang contract niya. Absolutely, we have no problems personally, especially me. We have a very close relationship with Derek.
    
“Brilliante is very different. In fact, hindi ko lang ma-announce ngayon, pero may malaki kaming announcement kay Brilliante in the future,” paliwanag ni Chot.
    
Ilan sa sports program ng ESPN na mapapanood sa TV5 ay ang National Football League, kung saan hatid nito ang Monday Night, Saturday Night at Thursday Night Football games pati na ang US College Basketball, X Games, Big Fights at iba pa.
    
Of course, tuloy pa rin ang PBA, FIBA, Gilas, UFC at PSL sa TV5.